
May one million subscribers na sa kanyang YouTube channel ang The Boobay and Tekla Show host na si Super Tekla.
Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Tekla ang screenshot ng kanyang YouTube profile kung saan makikita ang bilang ng kanyang subscribers.
"Maraming maraming salamat, mga KaPuTek!," caption niya sa kanyang post.
May 40 videos na si Tekla sa kanyang YouTube channel at karamihan sa kanyang mga content ay mga nakatutuwang vlog at challenge kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa showbiz.
Ang kanyang vlog tungkol sa kanyang bagong simula matapos ang isyu noon sa kanyang live-in partner na si Michelle Banaag ay umani na ng mahigit sa two million views.
Abangan ang iba pang good vibes content ni Tekla sa kanyang YouTube channel.
Mapapanood naman si Super Tekla sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, mas kilalanin pa ang komedyante na si Tekla sa gallery na ito.