GMA Logo Super Tekla in TBATS
What's on TV

Birthday ni Super Tekla, ipagdiriwang sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo!

By Dianne Mariano
Published January 13, 2022 7:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Super Tekla in TBATS


Abangan ang special birthday celebration ni Super Tekla sa 'TBATS' sa darating na Linggo (January 16).

Ngayong Linggo (January 16), ipagdiriwang ng The Boobay and Tekla Show ang kaarawan ni Super Tekla sa pamamagitan ng parody sa sikat na segment ng Eat Bulaga na “Bawal Judgmental.”

Photo courtesy: The Boobay and Tekla Show (Facebook)

Ito ay pinamagatang “Puwedeng Judgmental,” isang nakatutuwang laro kung saan tampok si Tekla bilang judge na sasagutin ang mga tanong tungkol sa anim na special guests.

Ang anim na pagpipilian ay binubuo nina Jennie Gabriel, Kitkat, Ian Red, Pepita Curtis at guest comedians na sina Pepay at Boobsie Wonderland.

Bago magsimula ang exciting segment, magpapakilala muna ang anim na choices, ibabahagi ang kani-kanilang “kasabihan” at ipamamalas ang kanilang special talent na siguradong magbibigay saya sa mga manonood.

Magiging emosyonal naman si Tekla sa “Laugh-Lagan Na” kasunod ang isang surprise call mula sa kanyang anak na si Aira. Magbabahagi rin ang dalaga, na nasa Bacolod, ng birthday message para sa kanyang ama.

Kumusta na kaya ang relasyon ng mag-ama? Bakit nga ba lumisan si Aira ng Maynila?

Isang bagong segment naman ang hatid ng inyong favorite late night habit at ito ay ang “Heto Na Nga, Marites…,” kung saan magbibigay ng maiinit na komentaryo ang TBATS host at Mema Squad tungkol sa latest tsismis sa showbiz!

Kaabang-abang 'di ba? Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show sa GMA tuwing Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.