
Matapos na ihatid ang mga anak na sina Vlanz at George sa airport papunta sa kanilang ina sa America, mag-isang sinalubong ng Kapuso actor-comedian na si Robert “Buboy” Villar ang kanyang kaarawan.
Nito lamang March 21, 2022, ibinahagi ni Buboy sa Instagram ang isang larawan nang ipagdiwang niya ang kanyang ikadalawampu't apat na kaarawan.
Sa kabila ng kalungkutan at pagka-miss sa kanyang mga anak, tila bakas pa rin kay Buboy ang pagiging masigla at masayahin.
Ilang celebrity friends din ni Buboy ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa aktor.
Isa na rito ang Kapuso Primetime Queen at Tadhana host na si Marian Rivera na nakasama ni Buboy sa isang drama series na ipinalabas sa GMA noong 2008.
Bukod kay Marian, ipinaabot din ng iba pang Kapuso stars ang kanilang masayang pagbati para kay Buboy.
Kabilang dito sina Bianca Umali, Ryzza Mae Dizon, Rocco Nacino, at marami pang iba.
Unang nakilala si Buboy sa mundo ng showbiz nang mag-audition siya sa isang television singing contest noong 2007.
Mas naging tanyag naman ang kanyang pangalan nang maging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel.
Kasunod nito, napanood na si Buboy sa ilang Filipino films at drama series.
Samantala, tingnan ang daddy moments ni Buboy Villar sa kanyang dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael sa gallery na ito: