Celebrity Life

Herlene 'Hipon Girl' Budol buys her first car

By EJ Chua

Emosyonal na ibinahagi ng comedienne na si Herlene “Hipon Girl” Budol ang pinakabago niyang achievement sa buhay.

Matapos ang ilang taon na pagtitiyaga at pagsisikap, labis ang saya na naramdaman ni Herlene nang makabili na siya ng sarili niyang kotse.

Kasama ang kanyang manager at vlogger na si Wilbert Tolentino, tumungo sila sa Commonwealth, Quezon City para bumili ng sasakyan.

Sa unang part ng vlog ni Herlene, na mapapanood sa kanyang Youtube Channel, ibinahagi niyang matatanggap na niya ang kanyang unang sahod sa pag ba-vlog na sinimulan niya noong taong 2020.

Matapos ang ilang proseso sa pagbili, hindi na napigilan ni Herlene na umiyak dahil sa mga pangyayari ng araw na iyon.

Ayon kay Herlene, “Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa pangyayari, mga KaSquammy. Dream come true at para akong nanaginip [cry emojis]. Salamat kay Manager (Wilbert Tolentino) sa walang tigil na proyekto na ibinibigay mo, the best ka! Pangako mag sisipag at pag bubutihan ko para sa pamilya ko! [cry emojis].”

Matatandaang nagsimulang makilala si Herlene sa entertainment industry nang maging studio contestant siya sa variety game show na Wowowin noong 2019.

Matapos nito, nabiyayaan siya ng iba't ibang proyekto. Noong nakaraang taon, naging bahagi siya ng GMA Afternoon Prime series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye at gag show na Bubble Gang.

Ngayong taon, mapapanood si Herlene sa upcoming GMA rom-com series na False Positive at sa digital rom-com series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask.

Napapanood din si Herlene bilang supporting actress sa iba't ibang GMA shows.

Samantala, tingnan ang beautiful transformation ni Herlene sa gallery na ito: