Celebrity Life

Christian Bautista bibisita sa Tropang Potchi


Ngayong Sabado (Hulyo 6), bukod sa mga adventure, mga aral sa disiplina ang dapat abangan sa Tropang Potchi kasama ang Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.
 
Gigising ng maaga sina Nomer (Nomer Limatog) at Miggy (Miggy Jimenez) kasama ang kaibigang si Czyrene para makisali sa pagsasanay ng mga magigiting na sundalo. Matutuklasan ng mga ka-potchi ang ginagawa araw-araw ng mga gustong maging sundalo upang mapanatiling makisig ang kanilang pangangatawan at gayon din ang disiplina sa sarili. Kasama rin nila ang photographer na si Caloy Iblasin upang makuhanan ang kakaibang experience na ito.
 
Samantala, sa tambayan naman ng tropa ay bibisita si kuya Christian Bautista, na ngayon ay napapanood sa morning comedy-romance series na With A Smile. Mula kay kuya Christian ay matututunan ni Julian (Julian Trono) ang kahalagahan ng disiplina sa oras at ang pagrespeto sa oras ng iba. Si Liane (Liane Valentino) naman ay malalaman ang halaga ng disiplina upang maipagpatuloy ang mga bagay na nasimulan na tulad ng pag-aaral ng pagtugtog ng gitara.
 
Mapapanood ang Tropang Potchi tuwing Sabado ng umaga bago mag-Sarap Diva sa GMA.