Celebrity Life

Vlogger Zeinab Harake mourns death of her baby boy

By Jimboy Napoles

Isang malungkot na balita ang ibinahagi ng vlogger at social media influencer na si Zeinab Harake sa kanyang Facebook page ngayong gabi ng Miyerkules (April 13), dahil sa pagpanaw ng kanya sanang pangalawang anak na si Baby Moon.

Makikita sa kanyang post ang larawan kung saan karga ni Zeinab ang kanyang anak na si Baby Bia habang nakatingin sa mga labi ni Baby Moon.

"My baby boy rest kana mahal na mahal ka namin ni ate bia mo bantayan at palakasin mo kami palagi di ka mawawala sa puso namin moon. Be our forever angel mommy loves you so much," madamdaming post ni Zeinab.

Matatandaan na naging palaisipan kamakailan ang Instagram stories ng kanyang asawa at kapwa vlogger na si Skusta Clee tungkol sa pagkakaospital ni Zeinab bago ang malungkot na balita na pagpanaw ng kanilang anak.

Napanood din si Zeinab kamakailan sa game show ng GMA na Family Feud kung saan nakaharap ng kanilang team ang grupo ng kapwa YouTube star na si Jelai Andres.

Samantala, alamin naman ang kuwento ng relasyon nina Zeinab at Skusta sa gallery na ito.