GMA Logo kylie padilla
Celebrity Life

Kylie Padilla is radiant and youthful in latest Instagram post

By Aimee Anoc
Published May 1, 2022 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

kylie padilla


Masaya ang fans na makita ang magagandang ngiti ni Kylie Padilla sa latest post nito sa social media.

Maraming fans ang nakapansin sa blooming na look ni Kylie Padilla sa kanyang bagong Instagram post.

Sa mga larawang ibinahagi ni Kylie, makikitang nakasuot siya ng sleeveless na blue dress habang nakaupo at nakatingin sa salamin. Kapansin-pansin din ang magagandang ngiti ng aktres.

"Soon," caption ni Kylie sa post niya.

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)

Ilan sa masayang nakita ang blooming na look ni Kylie ay si @itsmekath na nagsabing, "Wala nang mababakas sa mga ngiti mo ang sakit ng kahapon, masaya akong makita kang nakangiti ng ulit."

Ayon naman kay @momofjamely, "The last photo is pure bliss! So pretty."

Komento ni @ralyndeguzman, "Happy to see your smile beautiful lady. Stay that way."

Sabi naman ni @cherylgallarda, "Beautiful and blooming si idol. Love it."

At maiksing komento ni @yhatzkulet, "Sweetest smile."

Noong April 27, natapos na ang lock-in taping ni Kylie para sa pinakabagong Kapuso serye na Bolera.

Makakasama ni Kylie sa seryeng ito sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, David Remo, at Al Tantay.

Abangan ang world premiere ng Bolera sa May 30 sa GMA Telebabad.

Samantala, tingnan ang masasayang larawan ng cast at crew mula sa last taping day ng Bolera sa gallery na ito: