GMA Logo Jak Roberto
What's on TV

Jak Roberto talks about his first time working with Kylie Padilla and Rayver Cruz

By Aimee Anoc
Published April 13, 2022 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Unang beses na makakasama ni Jak Roberto sa isang serye sina Kylie Padilla at Rayver Cruz.

Masaya si Jak Roberto na makatrabaho sa unang pagkakataon sa isang serye sina Kylie Padilla at Rayver Cruz.

Sa interview sa GMANetwork.com, ikinuwento ni Jak na sa workshops at events pa lamang sila nagkakasama ni Kylie habang sa variety show naman niya nakatrabaho si Rayver.

"Si Kylie hindi ko pa siya nakakatrabaho ever since, ngayon lang talaga. Kahit sa guestings, sa 'Maynila,' sa ibang show ng GMA hindi ko pa siya nakakatrabaho. Ito 'yung first time na nakatrabaho ko siya," sabi ni Jak.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


Makakasama ni Jak sina Kylie at Rayver sa bagong Kapuso serye na Bolera. Ayon kay Jak, magaan katrabaho sina Kylie at Rayver, maging ang iba pang cast ng serye.

"Si Rayver nakasama ko siya sa 'Ayos.' Doon pa lang kami nagkatrabaho. Pero sa mga soap, sa mga drama, sa mga show ng GMA na ganito ngayon pa lang," kuwento ni Jak.

Dagdag niya, "Working with Rayver ang gaan lang. Ang sabi nga namin dito sa set walang issue sa bawat isa. Ang sarap magtrabaho kasi walang problema. Magaan lang kahit na mabigat 'yung mga eksena dahil nga masaya naman. Nag-e-enjoy kami pare-parehas."

Abangan sina Jak, Kylie, at Rayver bilang sina Toypits, Joni, at Miguel sa Bolera, soon sa GMA Telebabad.

Samantala, tingnan ang hottest photos ni Jak Roberto sa gallery na ito: