
Masayang ipinasilip ni Ryzza Mae Dizon ang kanyang kuwarto sa kanilang bagong bahay sa Pampanga.
Sa kanyang latest vlog, mapapanood na halos kumpleto na ang kagamitan sa kuwarto ni Ryzza at mas maluwag na ito ngayon.
Pagpasok sa kuwarto, agad na makikita ang closet ng aktres at maging ang kanyang mga bags.
Mayroon ding sariling study table si Ryzza para sa kanyang pag-aaral at pagva-vlog.
Nakaharap naman sa kanyang kama ang vanity table kung saan siya madalas na gumagawa ng TikTok videos.
Hindi rin mawawala sa kuwarto ni Ryzza ang kanyang "nakakapayat na mirror" at cabinet kung saan nakalagay ang kanyang albums at YouTube silver play button.
Ayon kay Ryzza, ang ina niya mismo ang nagdisenyo ng kanyang kuwato at pinili lamang nila na maging simple ito.
Disyembre nang ibahagi ni Ryzza na sinimulan na ang konstruksiyon ng kanilang dream house sa Pampanga.
Panoorin ang room tour ni Ryzza Mae sa kanyang dream house dito:
Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Ryzza Mae Dizon sa gallery na ito: