Celebrity Life

Bea Alonzo gives a glimpse of her newly bought house in Spain

By Maine Aquino

Dalawang milestones ang ibinahagi ni Bea Alonzo sa kanyang YouTube channel.

Ang Kapuso actress ay nag-celebrate ng kanyang ika-100th vlog sa YouTube at sa video na ito niya ibinahagi ang kanyang bagong bahay sa Spain.

Si Bea ay nagpunta sa Spain last March at maraming nag-akala na ito ay para sa isang project.

Photo source: YouTube: Bea Alonzo

Paliwanag ni Bea sa kanyang vlog, "A lot of you speculated that it was for work, but it's actually not for work. It's very personal."

Excited na inaannounce ni Bea sa kanyang video na mayroon na siyang bahay sa Spain. Saad niya, "The reason why I went to Spain is because I bought a house in Madrid!"

Ayon sa aktres, ginawa niya ito dahil sa bukod sa gusto niya ang Madrid, na-realize niya nitong pandemic na dapat gawin na ang mga nais gawin sa buhay. "I love Madrid! Because of the pandemic, naisip ko you only live once so I have to go for it!

Paliwanag pa niya, "Since last year I have been looking for an apartment. Nag-umpisa lang 'yan sa pagtingin-tingin sa Internet."

Ikinuwento rin ng Start-Up Ph star ang golden visa status ng Madrid. Ayon sa kanyang vlog, "If you have a Golden Visa, you will be granted residency permits. It also allows holders to freely travel to any of the countries in the Schengen Area."

Nilinaw naman ni Bea na hindi ibig sabihin nito ay isa na siyang Spanish citizen sa kaniyang pagpunta sa Spain at sa pagbili ng bahay doon.

Inamin pa ng aktres na gusto niya na kasama niya pa rin sa mga desisyon niya sa buhay ang kanyang ina.

"It was very stressful for me dahil nasa farm si mama, hindi ko siya matawagan. So she had me decide for myself which one to get. I'm 34 years old pero 'pag mga ganitong malalaking desisyon, gusto ko pa rin na hinihingi ang opinyon ni mama."

Panoorin ang naging house hunting ni Bea sa Spain at ang napili niyang bahay para sa kanilang pamilya.

Samantala, silipin ang mga photos ni Bea sa Spain sa gallery na ito: