
Matapos mag-trending sa social media dahil sa kanyang "honest" food blog, muling pinangiti ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ilang netizens sa kanyang kwelang banat sa larawan ng pamangkin na si Sachi na anak ng kanyang kapatid na si Paulina Sotto.
Sa Instagram, ibinahagi ni Paulina ang ilang cute photos ni Sachi na nakasuot ng black dress at black heels habang nasa tila gitna ng isang kalsada sa New York kasama ang kanyang kaibigan na blonde American boy na si Hudson na nakasuot naman ng black leather jacket.
Dahil sa pagiging cute at sweet nina Sachi at Hudson, hindi naiwasan ng tiyuhin ng una na magkomento sa post.
"Ano 'yan prenup shoot?," tanong ni Mayor Vico.
"Naunahan ka pa ni Sachi, Mayor. Payag ka non? Hahahaha," komento naman ng isang netizen na nakapansin sa reply ni Mayor Vico.
Source: paulinavls (Instagram)
Tila may pinagmanahan talaga si Mayor Vico pagdating sa pagpapatawa na gaya sa kanyang ama, aktor, at batikang komedyante na si Bossing Vic Sotto.
Tingnan ang kanilang mga pagkakapareho sa gallery na ito: