Celebrity Life

Alden Richards shares 'wais tips' for grocery shoppers

By EJ Chua

Lingid sa kaalaman ng publiko, mahilig din si Alden Richards sa paggo-grocery.

Ayon sa Start Up PH actor, isa ito sa activities na ginagawa niya para mawala ang stress.

Sa ginanap na event ng Waltermart kamakailan, kung saan ipinakilala si Alden bilang bago nitong celebrity ambassador, nabanggit ng Kapuso actor sa grocery shoppers ang ilang wais tips na natutunan pa raw niya sa kaniyang lola.

Una na rito ang pagsunod sa ginawang grocery list.

Ani Alden, “Huwag kang bibili ng wala sa listahan. Kasi for sure, kapag hindi mo kailangan. Kapag na-stock kasi, eventually, ma e-expire lang... kasi natuwa ka lang nung nakita mo 'yung product."

Payo rin ni Alden na mas mainam mamili kapag may sale.

Sabi niya, “Doon ka sa sale, pero kapag sale syempre tingnan mo 'yung expiration date…Doon ka sa buy 3+1, mahilig ako sa ganyan."

Samantala, bukod sa pagiging endorser ng napakaraming brands sa Pilipinas, abala rin si Alden sa kaniyang career bilang isang aktor.

Sa katunayan, sunud-sunod na ang schedule ng kaniyang tapings para sa upcoming GMA drama series na Start-Up PH.

Silipin ang behind the scenes ng Start -Up Ph sa gallery na ito: