Celebrity Life

GIVE ME FIVE featuring Krystal Reyes

Mga Mata ni Anghelita, a role that would eventually open more opportunities for her. She currently plays the role of Anna in the primetime drama Anna KareNina alongside Barbie Forteza and Joyce Ching. Know more about this budding fashion designer in GIVE ME FIVE.


GIVE ME FIVE fashion advice for girls your age.

"Kung ano talaga ang gusto mo, kasi 'yung iba iniisip nila, 'Ay kasi nabasa ko sa ganito, hindi puwede kapag ganyan.' Para sa akin hindi ganun 'yun. Dapat kung ano 'yung bagay sa katawan mo, kung ano 'yung gusto mo, 'yun talaga. Maganda nga 'yung pag-match mo ng damit, eh kung hindi ka naman masaya? Idaan rin nila sa belts. Kasi minsan, kung maganda rin 'yung belt mo kaya niyang idala ang damit mo. Pangatlo, sa sapatos naman, dapat bongga. Kahit mag-white shirt ka lang, puwede na 'yan. Sa buhok din, kailangan huwag mong takpan ang mukha mo. Kasi siyempre ang titingnan pa rin sa'yo lagi ang mukha mo. And last, dapat lagi kang naka-smile. Kahit anong ganda ng damit mo, pangit ka naman kasi hindi ka naka-smile."

GIVE ME FIVE actors and actresses that you've worked with whom you will never forget.

"Una po si Ate Jennylyn Mercado. Si Ate Jen po sobrang bait, sobrang naging komportable po ako sa kanya nang nakatrabaho ko siya. Lagi niya po akong niyayaya kumain sa labas, sobrang lambing din niya. Pangalawa naman po si Tita Angelu de Leon, Kasi 'di ba si Tita Anj po parang 'Ay Angelu de Leon 'yan' Parang mahihiya kang palitan siya pero hindi talaga. Sobrang kulit niya po, sobrang kalog niya. Pangatlo po si Ate Carla Abellana. Kasi si Ate Carla ang laki na ng naging pagbabago niya mula nung sa Rosalinda hanggang ngayon sa My Husband's Lover. Parang kada show niya, nag-iimprove po siya, binibigyan niya ng ibang character. At sobrang ganda niya. Pang-apat naman po si Kuya Gabby Eigenmann. Si Kuya Gabby sobrang bait din niya, sobrang komportable katrabaho na hindi ka na mahihiya. Panlima si Tita Sandy [Andolong], at silang dalawa [Barbie Forteza and Joyce Ching]. Ang babait nila."

GIVE ME FIVE essentials in your bag that you can't live without.

"Bubble gum! Kasi kapag mga ganyan pong oras na kagigising mo lang, kapag ginigising ka sa madaling araw na hindi ka na makapag-toothbrush, bubble gum! Hand sanitizer, phone, powerbank, tapos [pocket] Wi-Fi."

GIVE ME FIVE of your favorites phone apps.

Instagram, Twitter, Hotel Story, patok na patok 'yan sa Anna KareNina cast. WeChat at LINE."

GIVE ME FIVE of your favorite movies of all time.

"The Notebook. High School Musical, nung bata ako sobrang nabaliw ako sa High School Musical. A Cinderella Story. The Last Song, mga Nicholas Sparks books na naging movies."

Catch Krystal Reyes as Anna in Anna KareNina, weeknights on GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com