GMA Logo Psalms David and Zephanie Dimaranan
Photo by: impsalmsdavid (IG); zephanie (IG)
Celebrity Life

Psalms David wants to write songs for Zephanie

By Aimee Anoc
Published June 28, 2022 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking sinisante umano dahil sa droga, tinangay ang SUV ng dating amo; nakabangga pa bago nahuli
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Psalms David and Zephanie Dimaranan


Psalms David to Zephanie: "Someday, gusto kong makanta niya 'yung mga kantang isinulat ko."

Ibinahagi ni Psalms David na nais niyang sumulat ng kanta para kay Zephanie.

Sa isang press interview, inamin ni Psalms na matagal na niyang gustong makatrabaho si Zephanie dahil isa ito sa mga hinahangaan niyang mang-aawit.

"Matagal ko na po talagang gustong maka-work si Zephanie and I really admire her vocals,'yung personality n'ya po, at 'yung quality ng boses niya," sabi ni Psalms.

Ayon sa Kapuso singer, isa siya sa mga natuwa nang mabalitaang nasa GMA na si Zephanie.

Samantala, naghahanda ngayon si Psalms para sa pinakabago niyang single sa GMA Music, ang "Kaulayaw" na ilalabas sa June 30.

Isang post na ibinahagi ni GMA Music (@gmamusic)

Espesyal ang "Kaulayaw" para kay Psalms dahil ito ang unang kantang isinulat niya na ang ibig sabihin ay "constant" at "intimate companion."

Ani ni Psalms sa bagong kanta, "Yung time na isinulat ko 'yung kanta, iyon din 'yung naging companion ko. Ang sana maging 'Kaulayaw' rin siya ng mga Kapuso natin, ng listeners natin kapag pinakinggan nila ang kantang ito."