GMA Logo Zephanie
What's on TV

Zephanie sings 'Bolera' theme song 'Kaagapay'

By Aimee Anoc
Published May 31, 2022 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Impact of Middle East crisis to be considered in next wage review in May 2026 – NWPC
Mga mangingisda sa Palauig na apektado ng mega oil price hikes, tinulungan ng GMAKF | 24 Oras
Drivers who got only P1,500 in fuel subsidy complain to LTFRB-10

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie


Panoorin ang music video ng "Kaagapay" ni Zephanie Dimaranan dito.

Muling ipinamalas ni Zephanie ang husay sa pag-awit nang kantahin ang isa sa theme songs ng sports drama series na Bolera.

Maraming netizens ang humanga sa "tagos pusong" pagkakaawit ni Zephanie sa "Kaagapay," na isinulat ni Simon L. Tan.

Ilan sa mga papuring natanggap ng batang singer-songwriter ay "ang ganda talaga ng boses ni Zephanie, ramdam na ramdam mo" na mula sa isang user na may handle na "Hedgeeehug."

"Grabe Zeph! Tagos talaga sa puso 'yung pagkanta mo ng song na 'to," sulat naman ni Cathy Avante.

"Spotify sana. Nakaka-relax pa naman 'yung song. Good job Zephanie," komento ni jj.

"Wow ang ganda ng kanta. Kaagapay mo kami saan mang landas ang iyong tahakin Zephy," sabi ni breahna_shey.

"This is such an amazing song, it will be remembered!" dagdag ni yummy.

Bukod sa theme song ng Bolera, si Zephanie rin ang kumanta ng official soundtrack ng Afternoon series na Apoy sa Langit, ang "Tunay na Minamahal."

Patuloy na subaybayan ang Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.

Samantala, kilalanin ang cast ng Bolera sa gallery na ito: