Celebrity Life

Raphael Landicho, proud sa kanyang academic achievement

By Jansen Ramos

Bibong-bibo ang Kapuso child actor na si Raphael Landicho hindi lang sa TV, pati na rin sa social media.

Sa kanyang Instagram, na hina-handle ng kanyang ina, makikita ang nakaka-good vibes niyang TikTok videos.

Ang ilan pa rito ay kasama niya ang kapwa child actor niya na si Seth Dela Cruz at mga kasamahan niya sa ginagawang serye na Voltes V: Legacy na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

A post shared by Raphael Landicho (@raphaellandicho)

A post shared by Raphael Landicho (@raphaellandicho)

A post shared by Raphael Landicho (@raphaellandicho)

Bagamat artista, hindi nakakalimutan ni Raphael na top priority niya ang kanyang pag-aaral.

Sa katunayan, proud niyang ipinakita ang kanyang medal nang makapagtapos siya ng grade three.

Ginawaran siya ng "high honors" sa virtual recognition ceremony ng kanyang eskwelahan.

Ayon kay Raphael, inaalay niya ang kanyang bagong achievement sa kanyang mga magulang.

"The best feeling in the world is knowing your parents are smiling because of you. Para sa inyo po ito Mama and Papa," sulat niya sa isang post.

Narito ang iba pang celebrity na nakapagtapos with high honors: