GMA Logo Rita Daniela
Source: missritadaniela (IG)
Celebrity Life

Rita Daniela, ibinahagi ang pregnancy journey

By Bianca Geli
Published June 30, 2022 10:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela


"Ayaw kong maging tamad na buntis," Nagkuwento si Rita Daniela sa mga pagbabago sa kanyang buhay ngayong malapit na siyang maging mommy.

Isang bagong kabanata sa buhay para kay Rita Daniela ang kanyang pagbubuntis. Naging madamdamin ang pag-anunsyo ni Rita ng pagdadalang tao sa June 26 episode ng All-Out Sundays kung saan mainstay ang singer-actress.

Sa isang sitdown interview, naikwento ni Rita ang mga pagbabago sa buhay niya ngayong malapit na siyang maging isang ganap na ina.

"I'm very very excited and happy because this is a new chapter in my life na hindi siya mapapalitan ng kahit ano, hindi siya matutumbasan ng kahit ano. Excited to be a mom kasi ever since I was a kid, dream ko to be a mom."

Aniya, "Nagdalawang beses na akong nag-portray ng nanay, na sobrang laki pa ng tiyan ko. Dati, iniisip ko pa, ganito ba talaga kapag nanay? Ngayon, na-e-experience ko na 'yung pino-portray ko na dati."

Ramdam na raw ni Rita ang pagbabago sa kanya simula nang mabuntis. "'Yung emotional side, dahil sa hormones, ramdam na ramdam ko na siya tapos 'yung pagbabago sa physical. I've always been on the bigger side, mas nararamdaman ko 'yung balakang ko, at mas lumalaki siya. Sumasakit 'yung likod ko, napansin ko rin hinihingal ako kahit kumakain ako hinihingal ako. Nung una, hindi ko pa matanggap."

Dagdag pa niya, "Noong una pinush ko pa talaga, ayaw kong maging tamad na buntis e kaya sabi ko, hindi 'yan, kaso pag pinush ko, bumibigay 'yung katawan ko. Talagang pagod na pagod ako, hindi ako makabangon, hindi ako makalakad kasi masakit paa ko. Totoo pala siya, you really have to take extra care."

Isa raw sa mga pagbabago kay Rita ay ang mga pinili niyang pagkain, naging mas masustansya raw ang diet niya.

"Definitely the food, I have to be careful. Maraming nagtatanong, anong pinaglilihian ko, honestly wala. Kung maglihi man ako two days lang tapos ayaw ko na. Ang lagi kong hinahanap in every meal, laging may sabaw, laging may gulay, saka fruits. Pinipilit kong kumain ng healthy."

May mensahe rin si Rita sa kanyang fans at sa lahat ng mga nagbigay ng suporta sa kanyang pagbubuntis, "Thank you so much, that's my message, thank you so much kasi lagi silang nandiyan, ramdam ko 'yung mga totoong fans na hindi humihingi ng kapalit, na masaya man ako, malungkot man ako, may pagsubok man sa buhay ko, lagi lang silang nandiyan para sa akin naka-suporta."

"Ang sarap sa feeling na magkaroon ng ganoon na walang kapalit and ever since, 'yun ang pinaparamdam sa akin ng supporters ko and I'm very grateful talaga,"pagtatapos ng singer/actress.

Samantala", silipin ang mga mensahe ng ilang celebrities sa pregnancy announcement ni Rita Danela: