Celebrity Life

Who inspires Julie Anne San Jose?


Inspired magtrabaho ngayon ang Kapuso Pop Superstar na si Julie Anne San Jose, lalo na't isa siya sa mga bida ng primetime musical-drama na Kahit Nasaan Ka Man. Dalawa ang leading men ni Julie sa naturang soap, sina Kristoffer Martin at Lucho Ayala, na pareho ring first time na mag-lead sa primetime. Nakausap ng GMANetwork.com si Julie kamakailan, at ikinuwento niya sa amin kung gaano siya kasaya sa kanyang latest project, pati na rin ang tungkol sa taong nagsisilbing inspirasyon sa kanyang role bilang Pauline.

"I'm honored and really blessed dahil I'm given the opportunity of having a primetime show. Siyempre nagpapasalamat din po ako sa Panginoon dahil dinala niya po ako sa project na ito. Blessing in disguise na rin po na nawala ako sa Dormitoryo kasi nilagay po ako dito sa primetime and sobrang nakaka-excite lang po talaga. Sobrang sobrang thankful talaga ako," pagbahagi niya.

The singer-actress is also looking forward to working with Kristoffer as one of her leading men. "I'm really, really excited to work with Kristoffer kasi aside from working with him sa Party Pilipinas at sa SAS (Sunday All Stars), I think this will be another chance na makatrabaho ko siya as an acting partner."

Ano naman ang reaction niya na sa ibang Kapuso star na naman siya itatambal? "Masaya po, kasi we get to work with other artists. And siyempre hindi lang din po kami magis-stick sa isang tao lang. As an artist, kailangan din namin mag-grow doon sa career namin, and siyempre sa personality din namin."

We asked how her character Pauline is different from the other roles she has portrayed. "Ang pinagkaiba po ng character ko, kasi usually ang mga characters na napo-portray ko mga light roles lang, minsan parang ako na rin mismo. Pero dito, magpo-portray talaga ako ng isang bulag. Mas kailangan ko ma-motivate talaga, and kumuha ng inspiration."

Sino naman kaya ang inspirasyon niyang ito? "Si Fatima Soriano. She can't see, and then she really loves music. And she's very, very close to God. Actually na-meet ko na siya before. Nakaktuwa po talaga siya kasi despite of her illness, pinapatuloy pa rin niya ang buhay niya sa pagkanta, sa pag-appreciate sa music. Siyempre 'yung relationship niya with God, doon po ako kumukuha ng inspiration."

Catch Julie Anne San Jose as Pauline in Kahit Nasaan Ka Man, weeknights after 24 Oras, on GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, GMANetwork.com