Celebrity Life

Baby Katie nina Katrina Halili at Kris Lawrence, nagdiwang ng first birthday


Noong Biyernes, September 20, ay nag-celebrate ng kanyang first birthday ang anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence na si Katrence, or Baby Katie. Isang Candy Land Party ang inihanda nina Katrina at Kris para sa kanilang unica hija, na dinaluhan nina Jay-R, Yassi Pressman, Jessa Zaragosa, Mark Herras, Yasmien Kurdi at iba pang kaibigan sa loob at labas ng showbiz. In an interview with Startalk, the proud parents shared their birthday wishes for Katie, at sinagot na rin ang tanong kung kasal na ba ang susunod na okasyon.

"Sobrang excited. We're sobrang thankful to the guests that came, to the people who helped us organize this," states Kris.

He adds, "Sobrang iba 'yung happiness na binibigay niya sa amin. ibang inspiraton ang binibigay niya sa amin araw-araw. Hindi na masyadong mainit ang ulo ko lagi, I'm a happier person."

Ano naman ang birthday wish ni Katrina para sa anak?

"Isa lang ang wish ko kay Katie. Gusto ko sana paglaki niya, matuto siya ng mga Word of God. 'Yung ibang bagay, bahala na siya kung ano ang hilig niya. At least kapag may God ka, may guidance ka," says the sexy actress, who will soon be back on TV via Magkano Ba Ang Pag-ibig?

Si Kris naman, ito ang message para sa kanyang baby. "Baby, my wish for you is to grow up to be a happy girl. Papa will always be here for you. Kapag may mga tanong ka, if you want to know anything, Papa will always be here. And I can't wait to spend the rest of my life with you."

Itinanggi rin ni Katrina na pagkatapos ng birthday ni Katie ay kasal na nila ni Kris ang paplanuhin nila. "Ako kasi gusto ko siguro kasal mga 30 years old na ako. Ngayon enjoy muna namin si Katie, tapos work muna."

Abangan si Katrina Halili as Margot sa Magkano Ba Ang Pag-ibig? beginning September 30 on GMA Afternoon Prime. Catch Kris Lawrence on Sunday All Stars every Sunday, before Dormitoryo. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com