Celebrity Life

Pokwang at K Brosas, ligtas matapos mabangga ang sinasakyan sa Amerika

By Jansen Ramos

Abot-abot ang pasasalamat ni K Brosas matapos makaligtas nang mabangga ang sinasakyan nilang pickup truck sa Amerika.

Nasa US siya kasama ang kapwa komedyante at Kapuso star na si Pokwang para sa concert tour nilang pinamagatang "BFF" na napanood sa Maryland at Texas.

Ayon sa tweet ni K kahapon, August 1 (PH time), nagtamo siya ng minor cut at kaunting pasa dulot ng impact ng pagkakabangga ng isang SUV sa sinasakayan nila.

Mabilis namang rumesponde sa emergency ang ambulansya at fire truck para i-rescue sila sa site ng aksidente.

Bahagi ni K, "So na car accident kami kanina, thank You lord at safe naman kami, ako lang ang may minor cut at may konting bruises. naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance firetrucks etc.. na check naman ako at ok lang, mabuti malaki yung pickup truck kung saan kami nakasakay. TYL!"

Ipinakita rin ni K sa Twitter ang lagay ng sinasakyan nilang pickup truck matapos ang banggaan.

Mapapansin na mas malaki ang sasakyang lulan nila kumpara sa nakabanggaan nilang sasakayan. Nakupi ang kanang parte ng sasakyan nila kung saan nakalagay ang headlight. Samantalang, wasak naman ang bumper ng SUV na nakabangga sa sasakyan nila.

Ayon kay K, "Sa side ko talaga impact kaya ako lang ang mejo na injure ng burberry (very-very) light lang malayo sa bituka hehe.. still thank you lord talaga.. ok pa rin naman ako at kaming lahat. stay safe po."

Sa sumunod na videong ipinost ni K, ipinakita niyang maayos ang lagay nila ni Pokwang at ng dalawa pa nilang kasamahan habang kumakain ng steak at umiinom ng wine sa isang restaurant.

Nagpasalamat din ang komedyante sa mga nag-alala para sa kanilang kalagayan.

TINGNAN ANG IBA PANG ARTISTANG NASANGKOT SA CAR ACCIDENT DITO: