Celebrity Life

Zephanie, balak pasukin ang pag-arte; anong proyekto kaya ang gustong gawin?

By Jimboy Napoles

Grateful ang Kapuso singer na si Zephanie sa mga bagong proyekto na sunod-sunod na dumarating sa kanya matapos maging bahagi ng Sparkle artists ng GMA.

Isa si Zephanie sa newest Kapuso na dumalo sa trending na GMA Thanksgiving Gala kamakailan.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Zephanie sa nasabing event, ibinahagi niya ang saya na kanyang nararamdaman bilang Kapuso at ang mga posible niyang i-explore sa kanyang career gaya ng pag-arte.

Aniya, "Talagang my heart is full [laughs] talagang puno ang puso ko kasi po ang tagal ko rin talagang hindi nakapag-perform on TV and ito talaga pong pag-transition ko with GMA is a blessing sa akin to explore new things din for me personally like dancing and who knows baka acting na rin, baka dito 'yung first time so talaga pong I'm just really excited."

Kung sakaling makapasok sa acting scene, nais ni Zephanie na maging bahagi ng isang musical show na mapapanood sa TV na ayon sa kanya ay bihira pa ang gumagawa.

Kuwento niya, "To be honest if nakikita ko 'yung sarili ko sa parang acting na scene, talagang dream ko po siguro 'yung parang musical na vibe like something na masho-showcase ko rin po 'yung singing ko kasi its my first love but at the same time nandoon din 'yung acting and I think bihira po 'yung nakikita ko na gumagawa ng musical sa TV so hopefully magkaroon po ng ganoon and I would be willing to audition."

Marso lamang ngayong taon nang lumipat si Zephanie sa GMA Network at nabigyan na siya agad ng iba't ibang proyekto.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA ANG SPARKLE SINGER NA SI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: