GMA Logo Carla Abellana
Celebrity Life

Carla Abellana, ipinapatayo na ang kanyang dream house

By Jimboy Napoles
Published August 3, 2022 5:04 PM PHT
Updated August 3, 2022 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Carla Abellana sa kanyang future plans: “I am building my house, my dream house.”

Moving forward ang mantra ngayon ng Kapuso actress na si Carla Abellana na solong rumampa sa red carpet ng pinaguusapang GMA Thanksgiving Gala kamakailan.

Mag-isa man na dumalo sa event ay umangat pa rin ang ganda ng aktres suot ang isang makinang na black and white fitted gown na idinisenyo ng renowned fashion designer na si Michael Cinco.

Sa panayam sa kanya ng GMA showbiz correspondent na si Nelson Canlas sa nasabing event, ibinahagi ni Carla ang kanyang kasalukuyang pinagkakaabalahan matapos ang mga pinagdaanang isyu gaya ng naging hiwalayan nila ng dating asawa at aktor na si Tom Rodriguez.

Ayon sa aktres, naka-focus ang kanyang atensyon ngayon sa kanyang pamilya at sa pagpapatayo ng kanyang sariling bahay.

Kuwento niya, “I am building my house, my dream house, what else, spending more time with my family medyo doon ako hindi lang preoccupied pero talagang doon ako busy [ngayon].”

Mapapanood naman si Carla bilang si Mary Ann Armstrong sa GMA live adaptation ng Japanese anime series na Voltes V: Legacy.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILAN PA SA MGA STUNNING PHOTO NI CARLA ABELLANA SA GALLERY NA ITO: