GMA Logo Chito Miranda and Neri Naig
Celebrity Life

Chito Miranda, proud sa naipundar na rest house ng asawang si Neri Naig

By Jimboy Napoles
Published August 18, 2022 1:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Chito Miranda and Neri Naig


Chito Miranda sa kanyang misis na si Neri Naig: "She held the vision, and trusted the process."

Very proud na ikinuwento ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda kung paano nagsimula ang kanilang matagumpay na rest house sa Cavite dahil sa pagsusumikap ng kanyang asawa na si Neri Naig-Miranda.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Chito ang mga larawan kung paano unti-unting nabuo ang kanilang negosyo na pinatakbo ni Neri. Kalakip ng mga larawan na ito ay ang kuwento kung paano sinimulang buoin ng kanyang misis ang negosyo.

"Dito nagsimula yung Miranda's Rest House... sa vision ni Neri. Nung una, nakabili siya ng lupa na 200 sqm for PhP400k," pagbabahagi ni Chito.

Dagdag pa niya, "Sobrang proud na proud talaga siya nun kasi 'yun 'yung 1st property na nabili nya using her own money mula sa pagbebenta niya ng tuyo."

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Pero hindi roon natapos ang mga plano ng kanyang misis dahil muli raw itong nakaipon at bumili ng mas malaking lupa.

Aniya, "After several months, naka-ipon ulit siya, and this time, bumili na siya ng mas malaking lupa (nasa 1500sqm), at sabi niya, gagawin niya raw itong resthouse at ipapa-rent nya daw.

"Sabi ko, 'malaking pera yan'

"Sabi nya, 'kaya ko yan'

"For several years, ginapang at pinag-ipunan niya talaga lahat, hangga't makapag-patayo siya ng 4 na villas."

"Hindi sya sumuko. Hindi nya tinantanan. She held the vision, and trusted the process," saad pa ni Chito.

Makikita sa post ng OPM artist ang isang larawan ni Neri na masayang nakatayo noon sa harap ng ipinapagawang villa na isa sa mga unang villa sa kanilang rest house.

"Nag-ipon na naman siya, this time para magpatayo ng pavilion. Ipapa-rent niya rin daw kung may birthday party or binyag. Isang malawak lang na covered area sa likod ng mga villa na walang walls at walang aircon," kuwento pa ni Chito.

Hindi naglaon, dahil sa nakikita niyang tagumpay ng negosyo ng kanyang asawa ay mas lalo pang sinuportahan ni Chito si Neri sa pamamagitan ng pakikipag-partner niya rito.

Aniya,"Since hindi ko naman s'ya maaawat and tiwala rin naman ako sa kakayahan at vision niya (and honestly, dahan dahan kong nakikita 'yung potential ng mga plano niya hehe), nag-decide na ako maki-bakas, and offered to pay for half of everything para mapabilis yung mga plano nya.

"Sabi ko, gawin nya lahat ng gusto nya, tapos hati kami sa gastos."

Sa ngayon ay halos kumpleto na ang rest house nina Chito at Neri kung saan may sarili itong pavilion, swimming pool, villas, playground, at basketball court.

Samantala, pagkatapos makabili ng bahay sa Baguio City, kamakailan ay nakapagtapos din si Neri sa University of Baguio sa kursong Business Administration.

SILIPIN ANG REST HOUSE NINA CHITO AT NERI SA GALLERY NA ITO: