
Maganda ang takbo ng taong 2022 para sa aktor na si Ejay Falcon dahil matapos siyang manalo bilang bise gobernador ng probinsya ng Oriental Mindoro, panalo rin ang kanyang buhay pag-ibig ngayon dahil engaged na sila ng kanyang girlfriend at dating StarStruck avenger na si Jana Roxas.
Nangyari ang nasabing engagement kahapon, August 21, nang mag-propose si Ejay kasabay ng pagsalubong sa kaarawan ni Jana ngayong Lunes.
Kasama sa mga dumalo sa naturang birthday at engagement party ang pamilya, mga malalapit kaibigan ng dalawa, at maging ang gobernador ng Oriental Mindoro na si Humerlito "Bonz" Dolor kasama ang kanyang asawa at mga kapwa nila opisyal sa sangguniang panlalawigan.
Mahigit anim na taon na ring magkarelasyon sina Ejay at Jana. Matatandaan na pagkatapos ng nagdaang eleksyon ay nagtungo sa California ang dalawa upang saglit na magbakasyon.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILAN PANG ENGAGEMENT PHOTOS NG MGA CELEBRITY COUPLE SA GALLERY NA ITO: