Celebrity Life

Katrina Halili on life after 'Starstruck': 'Mas disiplinado na ako sa buhay '


Isa si Katrina Halili sa mga naging produkto ng unang batch ng reality search na Starstruck, and it has been ten years since she dreamed, believed and survived together with Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Nadine Samonte, Dion Ignacio, Christian Esteban, Tyron Perez, Sheena Halili, Jade Lopez, Anton dela Paz, Cristine Reyes, and Alvin Aragon.

During a visit to the set of Magkano Ba Ang Pag-ibig? last October 4, where Katrina plays the role of Margot, GMANetwork.com had the chance to talk with the actress about their plans for a Starstruck 1 reunion and how the show changed her life and career.

"Actually nag-meet kami two weeks ago, tapos nag-planning kami. Andami naming plans, umakyat pa kami kay Tita Lilybeth [Rasonable, Officer-in-Charge of Entertainment TV] and GMA Films. Ewan ko kung ano ang nangyari. Nagbigay lang kami ng proposal, kung may plans for our reunion, kasi kami may mga plans kami na naiisip so sinuggest lang namin. Ngayon kung okay, eh di okay. Pero kami, gagawa kami ng reunion namin either sa house ni Mark [Herras] or ni Jennylyn [Mercado]. Sabi ko, mag-iisip na lang tayo ng kung ano 'yung kailangan and 'yung dadalhin and kung sino ang magdadala. Tapos iinvite ang Starstruck staff, mga nakasama namin ," excited na pagkuwento ni Katrina.

Umaasa si Katrina na matupad ang hiling nila. "Marami kaming proposal kay Tita Lilybeth. Hindi ko alam kung ano ang maga-grant doon. Happy naman kami kasi pag-akyat namin doon sabi naman nila na bago pa kami umakyat doon parang may nagtanong na rin sa kanya na 'Miss Lilybeth, mag-ten years na ang Starstruck. May plans ba tayo?' Natuwa naman sila na may suggestions kami. Hoping kami na sana may matuloy doon. Ang dami naming winish! "

Paano nga ba nabago ng Starstruck ang buhay ng isang Katrina Halili?

"Siya 'yung nagsimula ng lahat. Siya 'yung nagbago ng lahat. And mas nag-mature na talaga kaming lahat. Mas may mga priorities na kami, mas disiplinado na kami. Mas alam na namin ang gusto namin ," she says.

Dagdag pa niya, "Katrina before kasi is puro play, play lang ng play. Parang kung may taping, may taping. Kung wala, okay lang. Ngayon, may gusto kang gawin so ikaw mismo 'yung 'Sana may ganito ako, sana may ganyan.' At mas disiplinado na ako sa buhay. At siyempre mas kumakain na ako ng healthy food kasi gusto ko humaba ang buhay ko."

Ikinuwento rin ni Katrina ang mga pagbabago sa mga ka-batch niya, pati na rin kung paano sila mag-bonding. "Lahat naman nagbago kasi ten years na. Nakakatuwa lang kasi nung nag-meet kaming lahat, na-miss namin 'yung isa't isa. Tapos nakakatuwa na may babies na! Si Alvin [Aragon] dinala niya 'yung baby niya. Si Jen, alam naman natin may Jazz siya. Si Yasmien, tapos ako. Tapos 'yung iba, ganun pa din. Ganun pa rin ang mga itsura, medyo hindi naman sobrang tumanda mga itsura namin. Mas nag-mature na kami. May mga activities kami pero parang na-miss lang namin ang isa't isa. After nung activity, ayaw pa rin naming maghiwalay. 'So ano na next?' 'Okay, badminton!' After ng badminton, 'Ano na next?' 'Okay, kain tayo sa labas.' Minsan tanghali hanggang gabi kami inaabot ."

Abangan si Katrina Halili bilang Margot sa Magkano Ba Ang Pag-ibig?, pagkatapos ng Agustin dela Cruz's Mga Basang Sisiw, sa GMA Afternoon Prime. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com