Celebrity Life

Aiai Delas Alas, nagkuwento tungkol sa kanyang 'secret life' sa Amerika

By Aaron Brennt Eusebio

Bukod sa pagiging artista, mayroon ding full-time na trabaho si Kapuso Comedy Queen Aiai Delas Alas sa Amerika kung saan sila naka-base ng kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Kuwento ni Aiai, nagtatrabaho siya bilang isang activity director ng isang facility para sa mga matatanda. Ito rin ang naging dahilan kung bakit niya tinigil ang pagtitinda niya ng pandesal at iba pang pastries sa US.

"Isa na po ako ngayong activity director ng facility. 'Yung facility ko, hindi ko pwede masabi pero 'yung sister company non, pwede kong sabihin. Sister company 'yun ng Good Samaritan," pagbabahagi ni Aiai matapos niyang pumirma bilang ambassadress ng Academy of Pastries and Culinary Arts ng Treston International College.

"Ayun 'yung secret life ko, ako 'yung activity director ngayon, kakapasa ko lang ng exam, ng training so parang napakaganda ng pakiramdam kasi 'yung remaining days nung mga nandoon ng mga matatanda, ng mga seniors, ikaw 'yung gagawa ng activities for them to make them happy."

Likas kay Aiai ang pagiging komedyante kaya naman nakatulong ito sa kanyang pagpapasaya para sa kanyang mga inaalagaan.

Nasungitan na kaya siya sa kanyang trabaho bilang activity director?

"Sinigawan ako ni kuya kasi si kuya, gusto niyang umalis. Ngayon, siyempre, bago ka umuwi, gagawa ka muna ng papers. Alangan naman ire-release ka, wala kang pipirmahan 'di ba?" kuwento ni Aiai.

"Nabubugnot siya. Naiinis siya. May sumisigaw, nasa likod ako, hindi naman ako allowed doon kasi nagte-training pa ako non. Sigaw siya nang sigaw, gumaganon siya, 'F*** off!' gumaganon.

"'Yun pala, mainit ang ulot niya. Eh 'di ngayon, atribida ako, lumabas ako doon. Tiningnan ko, 'Sino ba 'to?' Siyempre, feelingera ako. Akala ko makukuha ko na ng charm ko.

"Sabi ko, 'Hi, Sir! I'm Aiai' ganyan ganyan, chuva chuva chenelyn. 'Oh, do you want water?' Sagot ng lolo mo, 'F*** off!' Sabi ko, 'Sir, I don't want to be f*** off, don't f*** off me. Don't f*** off me sir.

"So, parang natuwa siya, parang tiningnan niya ako. Sabi niya, 'Who are you?' Nakuha ko, nakuha ko [yung loob]. 'Do you like juice?' hindi ako nagpatalo, day."

Dagdag ni Aiai, inaliw niya ang kanyang inaalagaan nang bigla niyang kantahin ang “Believe” ni Cher.

"Sumayaw kaya ako! 'Do you believe' gumaganon-ganon ako sa kanya kaya tinanong niya kung sino ako. 'Di ba, after niya ako sigaw-sigawan tapos nagpatutog ako. Sabi ko, 'You want music?'

"Sabi niya, 'Yeah!' Nako, pinatugtog ko si Cher. Natawa ang lolo mo day," kuwento pa niya.

SAMANTALA, BALIKAN ANG NANGYARING CONTRACT SIGNING NI AIAI BILANG AMBASSADRESS NG ACADEMY OF PASTRIES AND CULINARY ARTS DITO: