
Kilig ang hatid ng mga larawan ni Zephanie kasama si Michael Sager.
Kahapon, September 5, ibinahagi ng Kapuso singer na si Zephanie Dimaranan ang ilang mga larawan kasama ang Kapuso heartthrob na si Michael.
Base sa kaniyang Instagram post, makikita na magkasamang nanood ang dalawa ng musical play na 'Mula sa Buwan.'
“Last night ” simpleng caption ni Zephanie.
Sa comments section, kitang-kita kung gaano kinilig ang kanilang mga tagahanga!
Patunay ang mga ito na malakas talaga ang chemistry ng dalawang Kapuso stars!
Sa All-Out-Sundays, ibinahagi ni Michael na pangarap niyang maka-love team si Zephanie.
"Dream maka-love team, siguro si Zephanie po" sabi niya.
Kinilig naman ang mga manonood nang tanungin si Zephanie kung sino ang crush niya sa Sparkada.
“Ang crush ko po sa Sparkada ay si Michael” sagot niya.
Michael: "Dream maka-love team, siguro si Zephanie po"
-- All-Out Sundays (@AllOutSundays7) August 14, 2022
Zephanie: "Ang crush ko po sa Sparkada ay si Michael"
ANO TOOOOOOOOOO HAAA?!?!?! 👀👀👀
#AOSFordaSaya
SAMANTALA, TIGNAN ANG MGA STYLISH MOMENTS NI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: