Celebrity Life

Marian Rivera, aminadong kinabahan nang mag-horseback riding si Zia

By Aedrianne Acar

Nakakabilib na sa murang edad ni Zia Dantes, naipapakita nito ang iba't iba niyang talent.

Sabi nga ng netizens, multi-talented ang anak ng Kapuso royalties na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Kamakailan lang ipinasilip ni Mommy Marian, ang solo horseback riding activity ng panganay nila, sakay ng kabayong si Floris.

Kitang-kita man ang composure at tapang ni Zia, aminado ang Tadhana host na kinabahan siya.

Pero ang mas importante ay nakita raw niya na nag-enjoy ang anak sa naturang activity.

Sabi ng Kapuso actress sa panayam sa kaniya ng Chika Minute, “Sobrang nag-eenjoy siya.”

“At sabi nga nung owner nung kabayo na parang, 'may koneksyon si Zia at saka 'yung horse' talaga, which is a good sign na alam mo 'yun nage-enjoy sila together.”

Pinusuan din online ang TikTok video nina Zia, Sixto, at Dingdong, kung saan nag-jam sila sa classic hit ng The Beatles na 'Ob-La-Di, Ob-La-Da'--ang naturang video may mahigit 3.8 million views na.

@marianrivera Ob - La - Di, Ob La Da 🤍 Sarap nyo panoorin haaaay 🥰 Love you Dada, Ate Z & Six - Hintayin nyo sa susunod kasama na ako 🤣 #dantessquadson #marianriveradantes ♬ original sound - MarianRivera

Ayon sa Kapuso Primetime King, masaya siya na gusto ng mga anak niya ng classic songs.

Sabi nito, “Nakakatuwa, dahil mahilig sila sa old songs, mga talagang classic songs.”

Dagdag ni Marian, “Especially si Zia! Actually, si Zia talaga 'yung mahilig kumanta na kinukulit talaga niya 'yung daddy niya na turuan siya. And then naririnig siya ni Sixto. Itong si Sixto, ginagaya niya si ate niya. So, kaya nakaka-jam silang tatlo.”

CHECK OUT MORE PHOTOS OF ZIA DANTES HERE: