Celebrity Life

Will Ryza Cenon pose for a men's magazine again?


First time ni Ryza Cenon na maging cover girl ng isang popular men's magazine nitong Mayo lamang. Naging matunog ang pag-pose niyang ito kaya naman we asked the Starstruck 2 Ultimate Female Survivor if she plans to grace the cover again anytime soon.

"Sa ngayon, wala, huwag muna. Kasi kakatapos lang eh. Hinihintay ko pa 'yung mangyayari, kasi lahat ine-expect may mangyayari after mong mag-pose. Mag-eexpect sila ng sariling show, mga ganyan. So huwag muna," Ryza shares.

She adds, "Bigyan ko muna ng chance na parang mag-marka 'yung kinalabasan ng cover na 'yun, tapos saka na lang siguro ako magpo-pose ulit, if ever, kapag na-achieve ko na muna 'yun."

Balik teleserye rin si Ryza ngayon dahil kasama siya sa cast ng upcoming telefantasya na Adarna, where she will play the role of Mikay, and best friend ni Ada, played by Kylie Padilla. "Best friend at kababata ako dito ni Kylie. Weak kasi siya dahil nga kuba siya, so ang confidence niya sobrang baba dahil sa itsura niya. Ako 'yung nagpapataas sa kanya. Sobrang lakas ng personality ng character ko, para akong babaeng bakla. Laging sumisigaw, mga ganun. Hindi ko siya pinuro, pero kinauntian ko lang naman 'yung mga salitang bakla, mga 'etchos' ganun."

Hindi rin naitago ni Ryza ang kanyang tuwa dahil sa pagkakaroon ng bagong proyekto. "Siyempre excited kasi nagpahinga rin ako ng seven months. Excited ako na magtrabaho ulit, tapos sobrang nae-excite din ako sa mga mangyayari kasi telefantasya 'to at kuwento 'to ng Pinoy eh. Maraming may alam nito, kahit mga bata alam ito. Nae-excite ako para sa kanila. Kaya ngayon talagang pinanghihirapan namin na almost everyday kami nagte-taping para lang mapaganda 'yung pilot."

Makakasama rin ni Ryza sa naturang series ang kanyang best friend na si Chynna Ortaleza. Ano naman ang masasabi niya na marami ang excited na makita sila sa iisang show?

"Siyempre natutuwa lang sila sa kung ano ang gagawin namin. Kaya lang magkaaway kami dito. Nae-excite sila lalo kasi best friends kami pero sa mga eksena namin, mag-aaway kami," sagot niya.

Abangan si Ryza Cenon bilang Mikay sa Adarna, ngayong November 18 na, sa GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com