Celebrity Life

Michelle Madrigal on her new kontrabida role: 'Feeling ko ma-eenjoy ko talaga siya.'


Balik-kontrabida ang Kapuso actress na si Michelle Madrigal sa upcoming telefantasya na Adarna, kung saan gaganap siya bilang Garuda, ang tumatayong lider ng Pugad Sanghaya, na makakalaban ni Ada, played by Kylie Padilla.
 
We had the chance to interview Michelle during the show's photo shoot, where she shared her excitement over having a new project and what she has been up to since her last show, Love and Lies.

"Ang tagal ko na rin kasi na hindi nakagawa ng fantaserye, and this one, feeling ko ma-eenjoy ko talaga siya kasi medyo dark 'yung character niya so mas puwede mo siyang paglaruan. And malaking tulong na maganda 'yung costume. Kapag naka-costume ka kasi, nadadala ka rin ng costume mo. Nag-iiba ka, parang 'yung acting mo minimal na lang kasi nadadala na 'yun minsan ng costume mo," says Michelle, who was wearing her Garuda costume during the interview.

She also compared her new character to the past kontrabida roles that she has portrayed. "Siguro this one, first time ko maging ibon, and 'yung ganito ka-dark talaga. Kasi ang Dyesebel naman, iba naman 'yun. Mermaid ka, ito naman ang costume mo iba din. Since ako 'yung parang queen, mas marami akong powers, mas mapapaglaruan ko siya bilang artista. Dedepende din 'yun sa story kung paano ko iaatake."

May preparations ba siya for the stunts and fight scenes na maaari niyang gawin?

"Sanay naman ako nang hina-harness, hindi naman ako takot sa mga ganyan. Siguro kapag may mga fight scenes na kami magkakaroon naman kami ng mga workshops. Natatakot ako eh, kasi magaling sa fight scenes si Kylie. Ako sakto lang (laughs). So kailangan ko talagang paghandaan 'yun kasi dapat mas malakas ako sa kanya dahil ako ang number one villain niya. Hindi ako puwedeng magpatalo. 'Yun lang naman ang wino-worry ko, kasi siya talaga para siya 'yung daddy niya," she explains.

Dahil mahaba ang naging bakasyon ni Michelle, inalam namin kung ano ang kanyang mga pinagkaabalahan. "After Love and Lies, nag-vacation ako. And then, I've always wanted to learn how to speak French so medyo nag kaunting French class ako. And lagi akong nagwo-workout. Kasi siyempre in preparation din kung magkakaroon ka ng bagong show. Ayoko naman na babalik ako sa TV na nag-gain ako ng weight."

She adds, "Usually naman kasi di ba, ang artista kapag nagkaka-vacation sila, 'yun ang nangyayari. Vacation naman, medyo napapabayaan. Pero feeling ko naman as an actress, 'yung number one responsibility mo is to always look good. Kasi 'yun din ang binibenta namin, 'yung image namin, so kailangan lagi ka pa ring fit. I always workout three to four times a week."

Catch Michelle Madrigal as Garuda in Adarna, premiering this Monday, November 18, on GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com