
Nagpakilig kamakailan sa Bench Fashion Week 2022 ang Team Jolly na sina Allen Ansay at Sofia Pablo kung saan magkahawak-kamay silang rumampa sa isang segment ng nasabing event.
Bukod dito, nagkaroon din ng solo exposure ang dalawa kung saan first time nila na rumampa bilang models suot ang latest holiday season style ng nasabing lifestyle brand.
Ilang araw matapos ang star-studded event, idinaan nina Allen at Sofia sa social media ang kanilang pasasalamat sa bagong experience na ito na naibigay para sa kanila.
Sa Instagram, ibinahagi ni Sofia ang ilang mga larawan at video mula sa nasabing event.
"It's a wrap for #BENCHFashionWeek2022 Thank you sooo much my @benchtm family for having me! Thank you so much Sir @bcbench. So happy to finally meet you in person po!" caption ni Sofia.
Sa kabilang banda, may hiwalay na post din ang on screen partner ng aktres na si Allen.
"#BENCHFashionWeek2022 Thank you so much po sir @bcbench," simpleng caption ng Kapuso actor sa kanyang post.
Bagama't unang beses ito para sa Sparkle sweethearts na rumampa sa runway, aminado ang dalawa na isa ito sa mga memorable experience nila as a love team.
"It's really memorable kasi it's our first time walking for a clothing brand na one of our dreams talaga na matupad," ani Sofia sa panayam sa kanya kamakailan ng 24 Oras.
Sa ngayon ay abala na rin sina Allen at Sofia para sa kanilang pagbibidahang series na Luv is: Caught in His Arms na kinunan pa sa city of pines, Baguio City.
Ang nasabing series ay ang first collaboration project ng Wattpad Webtoon Studios at GMA Network.
"Sana panoorin po ninyong lahat kasi napakaganda po talaga ng story and excited na akong makilala niyo 'yung limang shokoys sa buhay ni Florence [Sofia Pablo]," mensahe naman ni Allen.
Makakasama ng Team Jolly sa nasabing series ang ilan sa Sparkada members na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria, Sean Lucas, at Sparkada girls na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.
Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILAN PANG KAPUSO STARS NA RUMAMPA SA BENCH FASHION WEEK 2022 SA GALLERY NA ITO: