
Engaged na sa kanyang non-showbiz partner na si Gregg Homan ang aktres na si Angelica Panganiban.
Ibinahagi ng aktres ang magandang balita na ito sa pamamagitan ng isang vlog na ipinost nila sa kanilang YouTube channel na The Homans nitong Sabado, October 8.
Nangyari ang engagement proposal sa isang beach habang nagbabakasyon ang dalawa noong ipinagbubuntis pa lamang ni Angelica ang kanilang anak ni Gregg na si baby Amila Sabine Homan.
Source: The Homans (YouTube)
Mapapanood sa video na kunwaring magpi-picture lamang ang dalawa ngunit nagulat si Angelica nang biglang lumuhod sa kanyang harapan si Gregg at inabot ang isang engagement ring.
"Maraming paraan para sumaya sa buhay na 'to pero ikaw lang ang kailangan ko. Angelica David Panganiban, willy you marry me?" ani Gregg.
Sa una, napuno ng emosyon si Angelica kung kaya't hindi alam ang isasagot kay Gregg.
"No, i don't know," sagot ni Angge.
"Will you marry me?" tanong ulit ni Gregg.
"Yes, I love you," umiiyak na sagot ni Angelica.
Pagkatapos ng proposal, agad na ipinaalam ng dalawa ang kanilang engagement sa kanilang pamilya at malalapit na kaibigan gaya ng Kapuso actress na si Glaiza De Castro.
Makikita sa vlog na napaiyak din si Glaiza sa saya habang ka-video call si Angelica nang malaman na ikakasal na ang kaibigan.
Source: The Homans (YouTube)
Panoorin ang madamdaming wedding engagement nina Angelica at Gregg sa video na ito:
Dalawang taon nang magkarelasyon sina Angelica at Gregg, March 2022 nang ibinalita ni Angelica na siya ay nagdadalang tao sa kanilang unang anak. September 23 naman nang isilang ng aktres ang pangay nila ni Gregg.
SILIPIN NAMAN ANG NAGING BABY SHOWER NINA ANGELICA AT GREGG SA KANILANG ANAK NA SI BABY AMILA SA GALLERY NA ITO: