Celebrity Life

Rocco Nacino and Melissa Gohing welcome Baby Ezren Raffaello

By Aedrianne Acar

Isinilang na ng volleyball star Melissa Gohing ang first baby niya kay Maria Clara at Ibarra star Rocco Nacino nitong Linggo, October 9.

Eksklusibong nakapanayam ng 24 Oras ang mag-asawa at dito ibinahagi ni Rocco na kinailangan i- caesarean ng kaniyang misis.

Kuwento ng Sparkle actor, “Malaman-laman namin na hindi clear 'yung tubig na lumabas kay Mel, kundi yellow. Ibig sabihin nagpu-poo na si Baby sa loob. So delikado na.”

“So naging emergency CS [Caesarean] siya,” dugtong niya.

Todo naman ang pag-aalaga ni Rocco na isang registered nurse kay Melissa, habang nagre-recover ito.

Aniya, “Inaalalayan siya tumayo maglakad, kasi sobrang sakit. Kaya nung ginagawa niya mga 'tong bagay na 'to, sabi ko, 'hanga ako sa mga mommy, lalo na sa mga nag-CS.”

Kumusta naman kaya ang experience being a dad to Baby Ezren Raffaello?

“Sobrang mapapagod ka. Pagod na pagod ka, mainit ang ulo mo. Pero 'pag nakita mo 'yung anak mo na nakatingin sa'yo, kapag binuhat mo na. Nawawala 'yung pagod,” lahad ni Rocco.

Samantala naka-paternity leave muna si Rocco sa kinabibilangan niyang primetime series na Maria Clara at Ibarra na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, at Dennis Trillo.

Ginagampanan ng Kapuso drama actor ang role bilang Elias.

Nakatakda na rin daw siyang bumalik sa taping ng high-rating soap ng GMA-7 soon.

Sabi ni Rocco sa Chika Minute, “Pumayag sila na bumalik ako saglit, kasi alam nila manganganak na si Mel.”

“So, ise-settle ko muna 'yung mag-ina ko sa bahay. Alagaan sila ng konti, tapos kailangan ko na lumarga, kasi malapit na maipakilala si Elias sa story ng Noli Me Tangere.”

TINGNAN ANG MGA AKTOR NA BAHAGI NG PRIMETIME SERIES NA MARIA CLARA AT IBARRA: