
Maraming netizens ang kinilig sa komento ni Rayver Cruz sa latest workout post ni Maria Clara at Ibarra actress Julie Anne San Jose.
Sa Instagram, ipinakita ni Julie Anne ang latest workout photo kung saan makikita siyang may hawak na dumbbell. Sa video namang ibinahagi, mapapanood ang singer-actress habang ginagawa ang kayang squats.
Napakomento naman si Rayver sa post na ito ni Julie Anne. Birong tanong ng aktor, "Super fit pala ni [Maria Clara] pwede po magpa-train?"
Agad na sagot ni Julie Anne, "Ako rin pa-train ako sa 'yo po miss kita." Sinundan naman ito ng nakakakilig na "Miss you 3k" ng aktor, na nakakuha ng daan-daang likes mula sa netizens.
Samantala, subaybayan si Julie Anne bilang si Maria Clara sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA. Mapapanood din ang dalawa sa All-Out Sundays tuwing Linggo sa GMA.
KILALANIN ANG NAGING LEADING MEN SA SERYE NI JULIE ANNE SAN JOSE RITO: