GMA Logo Rayver Cruz and Julie Anne San Jose
What's Hot

Rayver Cruz, inaming nililigawan si Julie Anne San Jose

By Aimee Anoc
Published August 10, 2022 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz and Julie Anne San Jose


Rayver on his relationship with Julie Anne now: "Siguro ang difference lang now is gusto ko siya and mahal ko siya. 'Yon lang ang nagbago." Read more:

Inamin na ni Bolera actor Rayver Cruz na nililigawan niya si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

Ginawa ni Rayver ang pag-amin sa exclusive interview sa podcast na "Updated with Nelson Canlas."

Ayon kay Rayver, isa si Julie Anne sa pinaka naging ka-close niya nang magbalik Kapuso.

"Ever since na pagbalik ko sa GMA Network, isa talaga sa pinaka naging ka-close ko kaagad is si Julie. And wala naman kasi ako talagang ka-close no'n kundi si Rodjun eh," kuwento ng aktor.

Pagpapatuloy niya, "Tapos no'ng nangyari pagkalipat ko, pagbalik ko, nag-start ang Studio 7 and then siya 'yong naging ka-close ko kaagad kasi sobrang bait, tapos parang jive kami, kung ano 'yong hilig ko, hilig din niya. In short siya 'yong naging best friend ko talaga, isa sa mga best friend ko sa GMA."

Mas nakilala raw ni Rayver si Julie Anne nang makasama niya ito ng apat na araw sa Siquijor, na isa sa mga lugar na pinuntahan ng aktres para sa virtual concert nitong "Limitless: A Musical Trilogy."

"Mas nag-level up 'yong excitement and 'yong saya ko, and 'yong tuwa ko pagka nakakasama ko siya sa mga activities and sa mga kung ano man 'yong ginawa namin do'n sa Siquijor. Kumbaga pagkabalik from Siquijor, do'n ko naisip na ano parang naging crush ko 'yong ano best friend ko," sabi ni Rayver.

Simula noon ay mas naging "extra" na raw ang pag-alalay ni Rayver kay Julie Anne. Aniya, "Medyo parang mas naging clingy ako sa kanya. Parang like hinahanap ko siya lagi kung nasan siya, sa'n ba siya, sinisilip ko lagi sa dressing room niya."

Inamin din ni Rayver na nagpaalam na siya sa mga magulang ni Julie Anne tungkol sa nais niyang panliligaw sa aktres.

"Siyempre out of respect din sa parents ni Jules and kay Jules. Like gusto naman nating lahat na do'n tayo sa tama. So like me growing up kasi like family man din ako like alam ko 'yong values ng kung papano 'yong sa isang pamilya, so ang pinaka importante talaga is ano magpaalam muna.

"Kasi kailangan like ano 'yan eh kasama 'yan eh. Automatic kasi rin sa 'kin kuya Nelson pagkamahal ko 'yong isang tao, mahal ko kaagad 'yong pamilya," paliwanag ng aktor.

At ito ang isa sa mga bagay na na-appreciate daw ni Julie Anne kay Rayver.

"It's one of the things that I really appreciate about him kasi aside do'n sa fact na tinanong niya ko, tinanong din kasi niya 'yong mga magulang ko which is very-very important for me especially like sa mga ganitong klaseng mga bagay. And ayon, masaya naman, happy lahat. 'Yon naman ang importante, masaya lahat," reaksyon ni Julie Anne sa ginawang pag-amin ng aktor.

Kahit na umamin na sa nararamdaman niya para sa aktres, sinabi ni Rayver na walang nagbago sa closeness nilang dalawa. Aniya, "Like hanggang ngayon kung papano kami before gano'n pa rin kami.

"Siguro ang difference lang now is gusto ko siya and mahal ko siya. 'Yon lang 'yong nagkaiba do'n. Pero nagiging totoo lang ako 'di ba. 'Yon lang ang nagbago."

Pakinggan ang buong interview nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa "Updated with Nelson Canlas":

TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA RAYVER CRUZ AT JULIE ANNE SAN JOSE DITO: