
Hindi napigilan nina Ice Seguerra at Vic Sotto na maging emosyonal sa kanilang sing and duet performance sa 35th anniversary concert ng una na "Becoming Ice" na ginanap sa Solaire, Sabado ng gabi, October 15.
Sa video na ibinahagi ng misis ni Vic na si Pauleen Luna, makikita ang nakakaaliw na usapan at nakakaantig na performance ng dalawa habang nasa stage.
"May tanong ako, 'pag kumanta ba tayo kakandungin kita?" bungad na tanong ni Vic nang ipakilala siya ni Ice sa audience.
"Huwag na, baka mabali tuhod mo e," sagot naman ni Ice sa kanyang "Tito Vic."
Matatandaan na isa si Vic sa mga itinuturing na pangalawang magulang ni Ice sa industriya simula nang maging artista ito matapos manalo sa "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga.
Mapapanood sa video ang pag-awit nina Vic at Ice ng sikat na awitin nina Linda Ronstadt at James Ingram na "Somewhere Out There."
Aminado si Pauleen na mismong siya ay napaiyak dahil sa madamdaming pag-awit ng dalawa.
Aniya, " This made me cry."
Sa kanyang post, nagkuwento pa si Pauleen patungkol sa father-and-son like relationship nina Vic at Ice noon pa man.
"Growing up, I watched you and Vic be a tandem on screen but what people don't know is the relationship you have when no one is watching. Sabi mo nga last night, father and son. As you know, Vic isn't the most ma PR person in the world…and that makes you more special cos I see how he values you and treats you like his own. He loves you so much and I am so blessed to witness it," kuwento ni Pauleen.
Dagdag pa niya, "Yesterday, he asked me 'Paano ba kayo naging close ni Ice?' To be honest, 'di ko alam kung papano sasagutin. All I could say was 'I honestly do not remember, basta ang alam ko, suplado 'yan but I felt that he liked me and na-appreciate ko 'yun kaya vinalue ko 'yung relationship" Aba, alam mo ba naman ang sabi ng tatay mo? 'Baka type ka!' LOKO [laughing emojis]."
Sa dulo ng kanyang post ibinahagi naman ni Pauleen ang kanyang paghanga kay Ice bilang isang magaling na performer.
Aniya, "Kidding aside, watching you pour out your heart and soul last night, made me realize what a bigger star you are. On stage and off stage. Kung magmahal ka, kahit tao man yan o craft o ano man, you give your all. Kaya we are so blessed to have you in our lives @iceseguerra! Congratulations! Iba ka!!!!"
Isa sa mga tumatak na proyekto nina Ice at Vic na magkasama ay ang 1987 film na Ok ka, fairy ko kung saan panahon ng kasikatan ni Ice bilang child star habang isang in-demand comedian naman si Vic.
Huli namang nagkasama sina Pauleen at Ice sa longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga.
KILALANIN NAMAN ANG ACCOMPLISHED CHILDREN NI VIC SOTTO SA GALLERY NA ITO.