advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Basketball stars turned showbiz personalities

1 of 8

Chris Tiu 

Galing PBA at sumali rin sa Smart Gilas national team si Chris Tiu. Host siya ngayon ng 'IBILIB: Wonders of Horus' na pinapalabas sa GMA Network.

2 of 8

Benjie Paras

Kilala bilang "The Tower of Power" si Benjie Paras sa PBA. Kabilang sa achievements niya ang pagiging Rookie of the Year noong 1989, 2x PBA MVP na nakamit niya noong 1989 at 1999. Tuluyan nang pumasok si Benjie sa showbiz pagkatapos nito mag-retire sa pagiging basketball player after 14 years. Ang kanyang mga anak na sina Andre Paras at Kobe Paras naman ay parehong basketball players, ngunit pinili na ni Andre na mas mag-focus sa kanyang showbiz career.

3 of 8

Alvin Patrimonio

Sa Purefoods Star Hotshots naglaro si jersey number 16, Alvin Patrimonio. Ngayon ay team manager na siya ng Purefoods Star Hotshots. Four times nag-PBA Most Valuable Player din si Alvin sa mga taong 1991, 1993-1994, at 1997. Kahit naglalaro siya para sa PBA, nakagawa pa rin ng mga pelikula ang aktor. Nakasama niya si Maricel Soriano sa remake ng film na 'Dobol Dribol' noong 1992, at ang 'Tasya Fantasya' with Kris Aquino noong 1994.

advertisement
4 of 8

Doug Kramer

Naglaro si Doug Kramer para sa Air21 Express, Barangay Ginebra Kings, Rain or Shine Elasto Painters, Powerade Tigers, Barako Bull Energy Cola, Petron Blaze Boosters, San Miguel Beermen, GlobalPort Batang Pier, at Phoenix Fuel Masters. Ngayon ay kilala si Doug bilang ang ama nina Kendra, Scarlett, at Gavin sa kanyang asawang si Cheska Garcia-Kramer. Ang pamilya ang bumubuo sa mga viral videos na ginawa ng Team Kramer.

5 of 8

Joey Marquez

Isang actor, comedian, politician, at former PBA player si Joselito Perez Marquez na kilala rin bilang si Joey Marquez. Naglaro siya para sa Presto Fun Drinks, na kilala na ngayon bilang Great Taste Coffee Makers. Recently ay napanood siya sa pelikula ni Dingdong Dantes at Anne Curtis na 'Sid & Aya.'

6 of 8

Jerry Codiñera

Coach at retired professional basketball player si Jerry Codiñera na nakilala rin bilang si "Defense Minister." Noong early 90's ay nakasama ang athlete sa pelikulang 'Last Two Minutes.'

advertisement
7 of 8

Jayvee Gayoso

Kilala si Jayvee Gayoso sa kanyang mga three-point shots. Kasama siya sa 'Binibini Sa Aking Panaginip' at 'Vampira' noong 1994, dito napansin ang kanyang galing sa pag-arte.

8 of 8

Bonel Balingit

Si Bonel Balingit ay tinatawag na "The Gentle Giant" at "Man-Mountain" sa PBA. Nakilala ito bilang isa ring aktor dahil sa kanyang mga sitcoms at comedy movies.