Celebrity Life

Rocco on Rodjun: 'Kami ang original na My Husband's Lover.'


Unang nagkatrabaho sina Rocco Nacino at Rodjun Cruz sa indie film na I Love You, Pare Ko, kung saan gumanap si Rocco bilang isang bading na in love sa best friend niyang lalake. Ngayon, muli silang magkasama sa primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas sa pagpasok ni Rodjun bilang si Cyrus, ang private investigator ni Conrad, played by Cesar Montano.

"Napakadali niyang kasama. Kami ang original na My Husband's Lover (laughs). Siya ang ka-love team ko sa I Love You, Pare Ko. It's nice being with him, at kasama ko rin siya sa group ko sa Sunday All Stars so it's fun," describes Rocco of his friendship with Rodjun.

He adds, "Ever since we're been close na rin, kaya dagdag ingay sa tent kapag magkasama kami. It's really nice being with a good guy like him."

We also asked the Starstruck V Second Prince kung ano ang maipapayo niya sa character niyang si Jerry ngayong bumalik na si Lovelia sa buhay niya. "Ang masasabi ko kay Jerry, good job dahil sa wakas nagbago siya, at hang in there dahil hindi alam ni Lovelia na nagbago na siya at totoong mahal niya si Lovelia. Kaya hang in there dahil magiging kawawa buhay niya. Go Jerry!"

Handa na kaya si Jerry sa mga parusang makukuha niya mula kay Lovelia? At maramdaman kaya ni Lovelia na nagbago na si Jerry?

Alamin ang mga mangyayari kina Lovelia at Jerry sa Akin Pa Rin Ang Bukas, weeknights after Genesis, sa GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com