Celebrity Life

Ang Paglipad ni Mikael Daez sa 'Adarna'


Muli tayong pakikiligin at pabibilibin ng Kapuso heartthrob na si Mikael Daez. Sa kanyang kapana-panabik na pagganap bilang Falco sa bagong telefantasya na Adarna, makikita natin ang aktor na binibigyang-buhay ang isang taong ibon.

Sa Adarna, makikita ang kakaibang love story na kung saan may tatlong lalaking mai-inlove kay Ada [Kylie Padilla]. Ikinuwento ni Mikael kung bakit hindi ito naging hadlang sa kanyang pagganap bilang Falco.

“It doesn’t make any difference naman, it's all part of the story. Kung ano man yung story yun yung susundan ko. Hindi ko iniisip 'ay may tatlo akong kasamang lalaki.', 'Ay may apat akong kasamang babae.'. 'Di ko iniisip yun. I only think about the story, ini-enjoy ko yung trabaho ko. I guess that's how it goes.” Kwento niya.

Pabirong ikinuwento ni Mikael na sa lahat ng kanyang naging proyekto, ang karakter ni Falco ang pinaka-kakaiba. “Well, I am a bird. I have wings!”

Dagdag pa niya, “Very different yung character niya in terms of attitude and personality. My character before in my previous teleserye, With A Smile, is very happy-go-lucky, mayabang, may confidence. Eto [his character, Falco] very elegant 'to e, very classy. An upstanding warrior kumbaga so iba yung demeanor niya, yung seriousness sa mukha niya which we didn’t find in any other characters.”

Sa pagkakapareho nina Mikael at ni Falco, ibinahagi nya na pareho nilang gagawin ang lahat para maprotektahan ang kapwa nila.

Ikinuwento din ni Mikael na dapat abangan ng mga manonood ang Adarna dahil pinaghihirapan nila ang fantaseryeng ito. Dagdag pa niya“I think the story is very interesting. I think it's been a while since nagkaganito ulit, telefantasya on Philippine TV. So, it's something new to look forward to. It's something new for the kids to look forward to. It's a very kid friendly show. So, sana mapanood at ma-enjoy ng mga kabataan, ng mga kababayan nating Pilipino.”

Abangan si Mikael Daez gabi-gabi sa Adarna, pagkatapos ng 24 oras at tuwing Biyernes ng gabi sa Bubble Gang. -- Text by Maine Aquino, GMANetwork.com