Celebrity Life

Solenn Heussaff, nag-ala 'dancing preggy momma' sa kaniyang latest Instagram post

By Abbygael Hilario

Patok na patok sa netizens ang bagong video ng preggy momma na si Solenn Heussaff habang sumasayaw sa harapan ng kaniyang asawa na si Nico Bolzico!

Sa recent Instagram post ng Kapuso actress-model, makikita itong sumasayaw habang suot ang iba't ibang gamit pangkusina bilang kaniyang props tulad ng cheese grater, cooking pot, pans, at spatula.

Habang sinasabayan ni Solenn ang tugtog, pinipigilan naman ni Nico ang kaniyang pagtawa.

"When you are pregnant and trying to seduce your husband before making dinner @nicobolzico," aniya sa kaniyang caption.

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

Samantala, bukod sa laughing emojis sa comments section, pinaulanan din ng good compliments ng fans ang celebrity mom.

"Sexy pa rin kahit silly. Bakit ganun?" komento ni @dencabgon.

"Solenn, ikaw ang buntis na maputi ang kili-kili," ani @leimarchioni.

Ikinasal si Solenn Heussaff kay Nico Bolzico noong taong 2016 at kasalukuyang buntis sa pangalawa nilang anak.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MATERNITY PHOTOS NI SOLENN HEUSSAFF AT NG IBANG CELEBRITY MOMS SA GALLERY NA ITO: