advertisement
Celebrity Life

#WalangPinipili: Artista na ninakawan

1 of 10

  Pacquiao mansion

Matapos ang masayang pagkapanalo ni Manny "Pacman" Pacquiao laban kay Adrien Broner, bumulaga ang balita sa mag-asawang Manny at Jinkee na nilooban ang kanilang mansyon sa Los Angeles, California. Ayon sa ulat ni Mariz Umali sa 'Unang Balita' ilan sa mga mamahaling damit at sapatos ni Pacman na hindi pa niya nasusuot at isang laptop ang nawawala sa kanilang tahanan.

2 of 10

Sanya & Jak

Takot ang naramdaman ng pamilya ng magkapatid na sina Sanya Lopez at Jak Roberto nang nilooban ang kanilang bahay sa Tandang Sora, Quezon City noong March 2017.

3 of 10

Tandang Sora

Ayon sa ulat ng 24 Oras, parehong wala ang magkapatid sa bahay nila nang mangyari ang insidente at ang manager daw nila ang nakakita sa magnanakaw. Natangay ng menor de edad na suspect ang cellphone ng kasambahay nina Jak at Sanya.

advertisement
4 of 10

Cherry Pie Picache

Ikinagulat ng buong bansa na mapabalita ang pagpatay na ginawa sa ina ng veteran actress na si Cherry Pie Picache na si Mrs. Zenaida Sison noong September 9, 2014 sa bahay nito sa Quezon City. Umamin ang suspect na si Michael Flores na siya ang pumatay kay Mrs. Sison. Ayon kay Flores ninanakawan niya ang bahay ng biktima at nang makita siya nito ay pinagsasaksak niya ito ng isang kahoy at kitchen knife.

5 of 10

Zenaida Sison

Noong December 2015, pinatawan ng 40 na taong pagkakakulong ng Quezon City Regional Trial Court Branch 216 si Michael Flores na napatunayan na nagkasala sa mga kasong homicide at robbery.

6 of 10

Gerald Anderson

Nilooban na rin ang bahay ng Kapamilya hunk na si Gerald Anderson. Ayon sa ulat ng isang showbiz website, naganap ang pagnanakaw nito lamang Huwebes ng umaga, July 26 na nasaksihan ng isang Erwin Ebora na driver ng kapitbahay ng aktor. Nahuli naman agad ang suspect na anak ng dating katiwala ni Gerald kung saan nabawi mula dito ang mga T-shirt at sapatos na tinangay nito.

advertisement
7 of 10

Dingdong Avanzado

Ibinahagi naman ng OPM singer/ politician na si Dingdong Avanzado ang ginawang pagnanakaw sa kaniyang sasakyan nang siya ay bumisita sa Vallejo, California sa Estado Unidos nito lamang June 2018.

8 of 10

California

Sa kaniyang Instagram post, ipinakita ni Dingdong ang mga larawan ng basag na salamin ng kaniyang kotse. Nawala ang kaniyang dalang bodybag kung saan nakalagay ang kaniyang wallet, driver license, pera at ilang credit cards.

9 of 10

Nadine Lustre

Tulad din ng veteran singer na si Dingdong Avanzado, nanakawan din si Nadine Lustre matapos basagin ang salamin ng kaniyang kotse habang nasa US tour kasama ang boyfriend na si James Reid noong March 2017. Nag-tweet ang singer/actress ng paalala sa mga netizens na mag-ingat at huwag mag-iwan ng mahalagang gamit sa loob ng sasakyan. Saad niya, “Guys NEVER leave valuables in your car. It's so easy to break windows now with a ninja rock. Lost my bag and a cam last night.”

advertisement
10 of 10

Jimmy Bondoc

OPM singer and Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) official,Jimmy Bondoc, recently became a victim of robbery after an unidentified person broke in his Quezon City home. Based on news reports, a robber carted away at least Php 100,000 worth of gadgets in the early morning of November 20 with the help of Bondoc's former housemaid, Mary Jane del Rosario, who served as a lookout.