Celebrity Life

Pauleen Luna on relationship with Vic Sotto: 'I learned to be selfless'


Plano ni Kapuso actress-host Pauleen Luna na tumungo sa Japan ngayong Pasko kasama ang kanyang pamilya.

Hindi sila maaaring magkasabay na pumunta sa abroad ni Vic Sotto dahil magiging busy si Bossing sa kanyang MMFF entry na “My Little Bossings”.

“He has to monitor ‘yong MMFF (Metro Manila Film Festival) pero magkasama naman kami pagbalik ko,” paliwanag niya.

Inamin ni Pauleen na isa si Bossing sa nagpapasaya sa kanya. Sariwa pa sa isip ng maraming tao ang pag-amin ni Vic Sotto sa relasyon nila.

Nakahanda na ba siyang mag-settle kasama ang kanyang special someone?

“Huwag ako ang tanungin mo, siya ang tanungin mo. I don’t think it’s proper na ang babae ang sumasagot,” sabi niya.

Matagal na rin ang relasyon nina Pauleen at Bossing at ang payo ni Pauleen sa mga nais na magkaroon ng ganitong pagsasama: “Respect is very important. And, I don’t think a person should hold back sa isang relationship if gusto niya talaga mag-work ‘yon.”

Dagdag pa niya, “With what I’ve said, with this relationship, I learned to be selfless na it’s not all about me.”

Hindi lang si Bossing ang busy sa trabaho.

Next year, muli nating mapapanood ang Kapuso actress-host sa GMA Afternoon Prime ngayong 2014 at gagampanan niya ang role ng isang mas confident at superior na best friend na magnanais gumanti dahil sa isang grudge.

Ano ang ipinagkaiba ng role na ito sa ginampanan niyang roles in the past?

“With my other roles, point blank, masama. Dito naman si Tessa ‘di naman siya nag-start talaga na masama. Meron siyang personal reason why she became like that.”

Kabilang din sa cast sina TJ Trinidad at si Rafael Rossell na ayon sa kanya ay puro professionals. “Exciting ito, kasi magkakalabasan ng mga acting skills.”

“It’s gonna be heavy drama, ‘yong last na ginawa ko was not so heavy which was Unforgettable. This is heavier, I think. Tapos, it’s the first time that I’ll be working with Camille [Pratts]. I’ve known her for a long time pero first time kami makakatrabaho,” dagdag pa niya.

Abangan ang pagbabalik ni Kapuso actress-host Pauleen Luna sa GMA Afternoon Prime sa 2014! Para sa updates sa paborito niyong shows at mga artista, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com.

--Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com