Celebrity Life

Alice Dixson to her bashers: 'If I acted my age, I probably wouldn't look this young...'

By EJ Chua

May bashers pero hindi magpapapigil, tila 'yan ang peg ngayon ng aktres na si Alice Dixson matapos niyang makatanggap ng pamumuna mula sa ilang netizens.

Para sa kaniyang "favorite bashers,” hindi raw naaayon sa edad ni Alice ang kaniyang mga kilos na ibinabahagi niya sa social media, "act your age" at "you're too old for that."

Ayon sa Instagram post ng batikang aktres kamakailan lang, isa sa pinuna ng bashers ay ang pagpapakulay niya ng honey blonde sa kaniyang buhok.

Reaksyon ng aktres sa mga taong pumupuna sa kaniya, "If I acted my age - I probably wouldn't look this young [tongue sticking out emoji]."

"Sorry not sorry,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng negative comments na kaniyang natanggap, ilang netizens naman ang patuloy na humahanga at pumupuri kay Alice na tila hindi ito tumatanda.

Nito lamang February 2022, napanood si Alice sa GMA drama romance comedy series na First Lady.

Gumanap siya rito bilang si Atty. Ingrid Domingo, ang ex-girlfriend ni President Glenn Acosta, ang karakter na ginampanan naman ng aktor na si Gabby Concepcion.

SAMANTALA, SILIPIN ANG GORGEOUS PHOTOS NI ALICE DIXSON SA GALLERY SA IBABA: