Celebrity Life

Carla Abellana, inilahad kung bakit pinili niyang hindi pag-usapan ang pinagdaanang hiwalayan

By Maine Aquino

Inilahad ni Carla Abellana ang kanyang pinagdaanan nang humarap siya sa hiwalayan.

Noong June 2022, kinumpirma ni Tom Rodriguez na divorced na sila ni Carla.

Kuwento ni Carla, pinili niyang huwag na pagusapan ang kanilang paghihiwalay para maiwasang makapagbitaw ng hindi magagandang salita. Ikinuwento ito ni Carla sa YouTube channel ni Camille Prats.

Ani Carla, "I tried my best talaga na hindi magsalita and to stay silent kasi hindi naman din sa ayaw ko, pero I owe that din to myself. Less is more kasi baka may masabi kang hindi maganda."

PHOTO SOURCE: @carlaangeline


Inamin din ni Carla na may pagkakataong naikumpara niya ang kanyang sarili sa ibang artista na dumaan rin sa pagsubok na ito. Ayon kay Carla, pakiramdam niya ay may mga nabitawan siyang mga detalye na hindi dapat maisapubliko.

"Kung tutuusin I've seen other celebrities na talagang zero na ano ba ilang taon bago nakapagsalita about whatever they went through. Ako nga feeling ko I even shared too much or said too much,” aniya.

Dugtong pa ng aktres, "Feeling ko lang naman na parang did I give away my privacy or some details na hindi dapat? Honestly, hindi madali 'yun. You keep quiet and stay silent."

Para kay Carla, bilang public figure, iniisip din ng mga tao na dapat ay alam ang bawat detalye sa kanilang buhay. Ito raw ay ang mahirap na bahagi ng pagiging artista.

"Sometimes the public, they feel like you owe them an explanation or answers. Kailangan din naman na mag-explain tayo lalo na let's say sa mga managers natin or whatever, mga management ng network, 'yung mga ganoong bagay kasi ayaw mo rin naman silang leave in the dark."

Paliwanag pa ni Carla, "Gustuhin mo man to keep quiet but it's also very hard for us, in our industry and career natin."

Panoorin ang kuwentuhan nina Carla at Camille rito:

SAMANTALA, BALIKAN ANG KASAL NG ILANG CELEBRITIES NA NAUWI SA DIVORCE O ANNULMENT: