Celebrity Life

Neri Miranda starts own talent agency: 'Manager na ako!'

By Maine Aquino

"Manager na akooo!!! "

Ito ang exciting na announcement ni Neri Miranda sa kanyang bagong achievement na magpatayo ng isang talent agency.

Ayon sa celebrity mom and entrepreneur, siya na ang tatayong manager sa endorsements nilang pamilya. Ani Neri, "Mula ngayon, ako na po mismo ang magma-manage at magha-handle ng mga endorsements ng family namin."

PHOTO SOURCE: YouTube: mrsnerimiranda

Nilinaw naman ni Neri na iba ang nagma-manage ng Parokya ni Edgar na banda ng asawa niyang si Chito Miranda.

"Syempre si Chito as Parokya, sa TopBeat pa rin 'yan. Si Anne pa rin dapat kausapin pag may kinalaman sa banda ang inquiry.

Kinuwento ni Neri kung paano nabuo ang desisyon niyang magbukas ng sariling agency.

"Ayun na nga, since nilalapitan na ako ng mga brands, companies, at agencies, at may sarili na rin naman akong prod team, ang Wais na Misis Productions, I think panahon na para magtayo na rin ako ng sarili kong managing company."

Dugtong pa ni Neri, "It was Direk Lauren (Dyogi) who suggested na gumawa na ako ng sarili kong agency, and nag-agree naman si Chito."


Saad niya sa kanyang Instagram post, "Medyo hesitant ako nung una, pero with my husband's support, na-convince nila ako. At eto na nga, ipinakikilala ko na ang @waiscommunicationsinc na maghahandle na sa Miranda Family.

Bukod sa pagiging manager ng Miranda family, bukas rin si Neri sa pagtulong sa mga kababaihan sa kanyang kompanya.

"Lahat ng mga kababaihan, mapa-single pa 'yan, mapa-misis, mapa-nanay pa na gustong rumaket sa social media. Welcome kayo sa Wais Communications Inc bilang influencer. Wow instant influencer agad! Bilang babad naman sa pagso-social media, eh di gawin nating mas productive ang araw nating lahat."

"Sa lahat ng brands, agencies, companies na gusto pang makipag collab sa isa sa amin o sa buong Pamilya Miranda, kindly dm me po or send an email po sa mrsnerimiranda@yahoo.com"

Ayon kay Neri, excited na siyang makatulong sa mga kapwa niya kababaihan.

"Tara! Let us work together! Let us all be Wais! Tulungan tayong kababaihan! Nakaka-excite!!!"

Congratulations, Neri!

LOOK: MIRANDA'S REST HOUSE BY NERI MIRANDA