Celebrity Life

Louise delos Reyes, nakahanda na maging sirena


First time ni Kapuso actress Louise delos Reyes na magkaroon ng bida-kontrabida role. Ito ay sa kanyang upcoming GMA Telebabad show na 'Kambal Sirena'.

“Kambal ‘yung i-poportray ko. Isang mabait, isang masama. Abangan niyo kung sino ang masama sa kanilang dalawa. First time ko itong gagawin na isa akong bida at the same time, ako rin ang kontrabida sa sarili ko.” ang pagbabahagi ni Louise.

Dagdag pa niya,“Sanay na ko na ako ang underdog palagi. Ako ang inaapi. Gusto ko maging forte rin ang kontrabida.”

Nalaman namin na may phobia si Louise sa tubig ngunit buong tapang daw niya itong haharapin para magampanan ng maayos ang pagiging ganap na sirena.

“Noong una sobra ang takot ko. Kailangan ko talaga i-conquer ‘yung takot ko sa tubig. Tinulungan naman ako ng staff para ma-conquer ‘yung fear ko.”

Dahil dito, “Masasabi ko na love ko na ang pagdidive. Isa na akong ganap na sirena!”

Naigbahagi din sa amin ng Kapuso actress na hindi basta-basta ang paghahanda niya para sa Kambal Sirena. Bukod sa pag-conquer sa kanyang takot, palagi niyang sinasanay ang sarili sa tubig at kung paano lumangoy na parang sirena.

“Nahirapan din ako pero sanayan lang with constant practice,” aniya.

Bukod sa pagiging kambal na sirena ni Louise, dapat ding abangan ng mga Kapuso viewers ang una nilang pagtatambal ni Kapuso hunk actor Aljur Abrenica.

Huwag palampasin ang Kambal Sirena. Malapit na sa GMA Telebabad! Para sa updates ng paborito niyong shows at stars, mag-log on lagi sa www.gmanetwork.com.

--Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.