GMA Logo Jelai Andres
Celebrity Life

Vlogger-actress na si Jelai Andres, may pa room tour!

By EJ Chua
Published December 24, 2022 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Jelai Andres


Kama ni Jelai Andres, kasya ang pitong tao? Panoorin ang kaniyang room tour DITO:

Sa loob ng halos tatlong taon na pagba-vlog, hindi nire-reveal ng vlogger-actress na si Jelai Andres ang itsura ng kaniyang buong kwarto sa kaniyang subscribers.

Ngunit kamakailan lang, pinagbigyan na Jelai ang mga ito sa matagal na nilang nire-request.

Sa latest video na inu-pload ng former Owe My Love actress sa kaniyang YouTube channel, ipinasilip na niya ang isa sa mga paborito niyang lugar sa kanilang bahay, ang kaniyang bedroom.

Nang sinimulan na Jelai ang kaniyang room tour, ipinakita niya ang kaniyang makeup area na ayon sa kaniya ay hindi rin niya madalas natatambayan dahil mayroon siyang hiwalay na makeup room.

Isang certified dog-lover si Jelai, kaya naman sa loob ng kaniyang kwarto ay doon din natutulog ang dalawa niyang alagang aso na itinuturing niyang mga anak.

Ipinakita niya rin ang relaxing view mula sa bintana ng kaniyang kwarto.

Isa sa mga inaabangan ng netizens at subscribers ng content creator ay ang itsura ng kaniyang kama.

Tiyak na nagulat ang mga nakapanood sa vlog ni Jelai nang ipakita niya ang kaniyang napakalaking kama.

Ayon sa kaniya, halos pitong tao ang kasya sa kaniyang higaan.

Sa kalagitnaan ng kaniyang vlog, nagpagulong-gulong pa ang comedian-actress sa kaniyang kama.

Panoorin ang room tour vlog ni Jelai sa video na ito:

SAMANTALA, SILIPIN ANG BIKINI PHOTOS NI JELAI ANDRES SA GALLERY SA IBABA: