Celebrity Life

Jake Vargas' new lease on love with Bea Binene: 'Sana maging matibay kami sa lahat ng bagay'


One year and five months na ang relasyon ng Kapuso teen stars na sina Jake Vargas at Bea Binene nang magdesisyon silang maghiwalay noong July.

Selos at hindi pagkakaintindihan diumano ang mga dahilan ng kanilang madalas na pag-aaway, na hindi nagtagal ay nauwi rin sa hiwalayan.

Ngunit nitong November lamang ay inamin nilang dalawa na nagkabalikan na sila, just in time for Bea's 16th birthday. In fact, sinopresa ni Jake ang ka-loveteam sa taping nito for Vampire Ang Daddy Ko, at nagkaroon na rin sila ng chance na mag-usap nang maayos.

Ano kaya ang wish niya para sa kanilang dalawa ngayong nagkabalikan sila?

"Siguro to stay strong. Sana maging matibay kami sa lahat ng bagay kahit may dumating na mga pangit na issue," saad ni Jake nang aming makausap sa set ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento kamakailan.

Kinumusta rin namin ang Pasko at Bagong Taon ni Jake. Ayon sa kanya, ipinagdiwang niya ang Pasko sa bahay kasama ang kanyang pamilya habang nakibahagi naman siya sa GMA Countdown noong Bagong Taon.

Napag-usapan na rin lang ang Pasko, tinanong namin sa kanya kung ano ang iniregalo niya kay Bea. Isang baby shih tzu raw ang ibinigay niya sa girlfriend.

"Siya si York, lalaki. Wala na kasi akong maisip na ibibigay sa kanya. Mas maganda na 'yung ganun kaysa damit o gamit, naaalagaan niya."
Ano
naman ang Christmas gift sa kanya ni Bea?

"Marami na siyang naibigay sa akin pero nitong Christmas wala pa," natatawa niyang sagot.

Panoorin si Jake Vargas every Sunday sa Sunday All Stars, pagkatapos ng Kapuso Movie Festival, at sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, pagkatapos ng Kap's Amazing Stories.

-- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com