Celebrity Life

Max Collins on her first lead role: 'Sobrang laki ng pressure'


Kakaibang Max Collins ang ating mapapanood this February sa Innamorata (My Love). Ang huling show ni Max sa GMA ay ang Pahiram ng Sandali kung saan nakasama niya rito ang Primetime King na si Dingdong Santos at ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino.

Bibigyang buhay ni Max ang katauhan ni Esperanza sa Innamorata. Taliwas sa mga dati niyang roles na strong ang character, dito sa Innamorata, siya ang aapihin ng mga taong nandidiri sa kanyang sakit at itsura.

Nang tanungin kung ano ang naramdaman ni Max sa role niya dito, “Challenging siya kasi iba siya sa mga dating nagampanan ko na role. Sobrang laki ng pressure kasi ito talaga ang first leading role ko. May skin disease ang character ko then inaapi siya. Sobrang layo sa mga dati kong roles, kasi laging strong ang mga characters ko. Happy naman ako sa role na ibinigay sa akin.”

Dagdag pa niya, “Iba rin ang kilos. Sa prosthetics pa lang.. it’s harder, it’s different but I’m excited.”

Ano ba ang naging preparations niya?

“Nag-work shop kami para sa soap. Ang preparations ko rin is more of internal. After ko nabasa ‘yung script, ininternalize ko ‘yung character ko then ‘yong mga pinagdaanan niya.”

Si Luis Alandy ang kanyang leading man dito. Gagampanan niya ang karakter ni Edwin na isang bulag. Mai-in-love sa kanya si Edwin dahil dama nito ang kanyang kabutihang loob. Bukod kay Luis, makakatrabaho niya rin ang Kapuso actor na si Dion Ignacio na gaganap bilang best friend ni Esperanza. Kabilang din sa cast sina Jacke Rice at Gwen Zamora na kasama niya sa longest running gag show – Bubble Gang.

Kaya naman masaya at magaan na ang loob niya sa kanila. “Sobrang happy ako na lahat sila game sa lahat. Napakagaan ng vibes nila parang nagkaroon lang kami ng support group sa workshop,” aniya.

Abangan ang kakaibang Max Collins sa Innamorata this February, only on GMA. Para sa updates kay Max at ng paborito niyong Kapuso shows at stars, mag-log on lang sa www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com.