Celebrity Life

'Lahat ng breakup masakit' - Kristoffer Martin



“Lahat ng breakup masakit. 'Yung sa amin naman hindi naman umabot sa puntong kaya naghiwalay dahil nag-away. Siguro maayos naming pinag-usapan pero siyempre masakit.” Ito ang kuwento ni Kristoffer Martin nang siya ay tinanong ng press tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Joyce Ching.

Ayon kay Kristoffer siya ay nagrerecover pa rin mula sa sakit na naramdaman mula nang maghiwalay sila ni Joyce. Aniya, “kasi 'yung almost 3 years naman na yun, hindi mo basta-basta maitatapon”.

Kahit magkasama sa Paraiso Ko’y Ikaw sina Kristoffer at Joyce, walang ilangan sa kanilang dalawa. Kuwento niya, “okay lang, kasi ayaw naman namin maging pabigat sa production, sa management, sa GMA. Sila naman pumili sa amin dito, kami artista kami. Kung ano man 'yung ipagawa sa amin, alam naman naming para ‘yun sa ikagaganda ng soap. Wala naman kaming karapatan para tumanggi. Basta kami, ginagawa namin ang trabaho namin.”

Dahil sa uso ang balikan sa mga ex-celebrity couples, may posibilidad nga bang magkabalikan din sila ni Joyce?

“Ayoko namang sabihing hindi, ayoko namang sabihing oo. Kasi malay natin, kainin namin 'yung sinabi namin eventually, 'di ba? Siguro open kami sa possibilities. Ako, open ako sa possibilities. Siyempre siya, 'di ko naman alam 'yung side niya. Pero ako naman kasi ayokong harangin kung ano 'yung mga dapat mangyari. Kumbaga for me, everything is destined to happen”, pahayag ni Kristoffer.

Abangan si Kristoffer Martin sa kanyang pagganap bilang Tupe sa Paraiso Ko’y Ikaw.

-Text by Maine Aquino, Photos by Bochic Estrada, GMANetwork.com